December 19, 2025 | 12:00am
Maraming nakararanas ng migraine headache. Ang migraine headache ay pananakit ng kalahating bahagi ng ulo. Nakararanas din ng pagkahilo, pagsusuka, sensitibo sa liwanag, ingay ang may migraine.
Narito ang mga gagawin kung nakararanas ng migraine headache:
1. Iwasan ang mga triggers na pagkain. Kumain ng regular tatlong beses sa isang araw at uminom ng sapat na tubig.
2. Magkaroon ng sapat na tulog sa gabi—pitong oras.
3. Iwasang magpuyat.
4. Kung mag-eehersisyo, piliin lamang ang kaya ng inyong katawan o iyong mga magagaan lamang.
5. Relaxation technique: magpamasahe at mag-meditate.
6. Ang paliligo ng maligamgam na tubig ay may tulong para mabawasan ang sakit ng ulo.
7. Cold compress para sa masakit na ulo. Warm compress sa masakit na muscle.
8. Iwasan ang sobrang mapagod.
9. Iwasan ang sobrang lamig o init.
10. Kumunsulta sa neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.
