September 6, 2025 | 12:00am
Isang 18-anyos na highschool scholar sa Japan ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagtatangkang lasunin ang kanyang tiyuhin dahil hindi na umano niya matiis ang malakas nitong paghilik.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang hindi pinangalanang binatilyo mula sa Ichihara, Chiba Prefecture ay nagtadtad ng mga dahon ng nakalalasong halaman na “oleander” at inihalo sa miso soup ng kanyang 53-anyos na tiyuhin. Ang insidente ay naganap noong nakaraang Hulyo 17.
Napansin agad ng tiyuhin ang kakaibang lasa ng sabaw at idinura ito. Gayunpaman, nakaranas pa rin siya ng mga sintomas tulad ng pamamanhid ng bibig at pananakit ng tiyan, na nangailangan ng agarang atensyong medikal.
Nang suriin ang mga pattern mula sa kanyang soup, natuklasan na naglalaman ito ng nakamamatay na dami ng lason na “oleandrin”.
Ang oleander ay isang halamang decorative sa mga parke, ngunit ang mga sanga at dahon nito ay lubhang nakalalason.
“Hindi ko na matiis ang malakas na paghilik ng aking tiyuhin kaya nagpasya akong patayin siya,” sabi ng binatilyo sa mga pulis sa interogasyon.
Sa kabutihang palad, ang tiyuhin ay nakaligtas at nagpapagaling na sa ospital. Nahaharap ngayon ang binatilyo sa kasong tried homicide.