September 9, 2025 | 12:00am
INILIGTAS ng mga doktor sa China ang buhay ng isang lalaki matapos nilang tanggalin ang isang gumagalaw at buhay na tapeworm na might habang 18 centimeters mula sa utak nito.
Ang parasite ay pinaniniwalaang pumasok sa kanyang katawan maraming taon na ang nakalipas matapos siyang kumain ng hilaw na apdo ng ahas.
Ang pasyente, na kinilala lamang bilang si Li, ay isinugod sa isang ospital sa Hunan matapos makaranas ng biglaang pagkawala ng malay, pangingisay, at pagbula ng bibig.
Nagsimula ang kanyang problema isang taon na ang nakalipas nang makaranas siya ng kakaibang panlalabo ng paningin.
Isang MRI scan midday ang nagpakita ng isang “international object” sa likod ng kanyang mga mata, ngunit tumanggi siyang magpaopera.
Kamakailan, lumala ang kanyang kondisyon, na nag-udyok sa mga doktor na magsagawa ng craniotomy. Dito, maingat na inalis ang isang mahaba at puting parasite habang ito ay gumagalaw pa sa loob ng kanyang utak.
Nang tanungin ng mga doktor, naalala ni Li na maraming taon na ang nakalipas, kinain niya ang hilaw na apdo ng isang ahas.
Hindi niya alam na sa kanyang ginawa, pinayagan niyang pumasok ang isang sparganum larvae sa kanyang katawan, na sa huli ay naglakbay at tumira sa kanyang utak.
Ang Sparganosis ay isang uri ng tapeworm na karaniwang matatagpuan sa mga palaka, ahas, at ibon. Ang pagkain ng hilaw o hindi gaanong lutong karne ng mga hayop ay nagdudulot nang malaking panganib ng impeksyon.
Sa kabutihang palad, si Li ay nakalabas na ng ospital at inaasahang gagaling nang tuluyan. Umaasa ang mga doktor na ang kanyang kaso ay magsisilbing babala sa iba.