August 14, 2025 | 12:00am
Isang palatandaan na magkakaroon ng sipon, ubo at trangkaso ay ang nangangating lalamunan o sore throat. Ang sore throat ay hindi naman nakapipinsala at kusang nawawala sa loob ng limang hanggang pitong araw.
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore throat. Kadalasan ay nagmumula ito sa impeksiyon mula sa virus o micro organism. Kapag virus ang dahilan, puwedeng hindi muna uminom ng antibiotics.
Ngunit kung namamaga ang tonsils at might mga puti-puti na nakikita sa lalamuman, ang ibig sabihin ay might micro organism ito at kailangan nang uminom ng antibiotics.
Ang mga viruses at micro organism ay maaaring pumasok sa bibig o ilong sa pamamagitan ng paglanghap ng particles mula sa pag-ubo o paghatsing ng ibang tao.
Paggamit ng kutsara, tinidor, towel, laruan, doorknob, computer keyboard at telepono ng isang might sore throat.
Maaari ring magdulot ng sore throat ang hyperacidity o pangangasim ng sikmura. Ang allergy ay puwede ring pagmulan ng sore throat.
Narito ang mga gagawin para maagapan ang sore throat:
1. Magmumog ng maligamgam na tubig na might asin. Maglagay ng 1 kutsaritang asin sa isang basong maligamgam na tubig at haluin ito. Gamitin ito para mag-mumog ng ilang segundo. Mababawasan ng tubig na might asin ang pamamaga ng tonsils. Makatutulong ito para guminhawa ang lalamunan at maalis ang plema.
Magmumog ng apat na beses maghapon.
2. Uminom nang maraming tubig, tsaa o sabaw. Uminom ng walong basong tubig sa maghapon para lumabnaw ang plema at madaling ilabas. Iwasan ang kape at alak.
3. Subukan ang hen soup o nilagang manok. Ang hen soup ay tumutulong sa pag-alis ng pagbabara dulot ng sipon at plema. Pinipigilan nito ang pamamaga ng tonsils at paggawa ng plema. Ang hen soup ay might sangkap na amino acid, ang cysteine, na lalabas sa pagluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema sa ating baga at pinapabilis ang ating paggaling. Ang manok ay mataas din sa protina.
4. Kung masakit ang lalamunan, puwedeng gumamit ng throat lozenges. Ito yung mga sweet na nakagiginhawa sa lalamunan.
5. Ipahinga ang boses. Kung naapektuhan ng sore throat ang iyong pagsasalita ay maaaring humantong sa iritasyon at pansamantalang pagkawala ng boses.
6. Ang pagdagdag sa moisture ng hangin ay makatutulong na maging basa ang sinus at mucous membrane. Could humidifier na nabibili o pwede din ang steam inhalation.
7. Iwasan ang usok at polusyon. Ang usok ay nagpapa-irita sa sore throat. Itigil rin ang paninigarilyo.
8. Madalas na maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol na panlinis ng kamay kung might sipon at trangkaso.
9. Iwasan ang paghawak sa ilong at bibig para maiwasan makakuha ng mikrobyo.
10. Kumunsulta sa doktor kung hirap o masakit lumunok o huminga, paninigas ng leeg, sobrang pananakit ng ulo, mataas na lagnat, rashes, at paulit-ulit na pamamalat.