Smuggling ng bigas lumang problema na


BAGO pa pumuwesto bilang Presidente si Bongbong Marcos­, nababalitaan na ang talamak na smuggling ng bigas pati na ang ilang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na ka­ku­tsaba ng smugglers. Panahon pa ni Duterte, sakit na ng ulo ang mataas na presyo ng bigas.

Iyan nga ang dahilan kung bakit pinagtibay ng administrasyong Duterte ang Rice Tariffication Law sa pag-asang ma­pabababa nito ang halaga ng bigas. Hindi rin napababa ang presyo nito dahil may cartel ang mga tiwaling negosyante ng bigas na kumukontrol sa halaga nito. Malamang, ang mga negosyanteng ito pa rin ang mismong smugglers.

Ang malupit, may kasabwat sa pamahalaan ang mga negos­yanteng ito kaya malaya nilang namamanipula ang presyo ng bigas. Nang maging Presidente si Bongbong, inu­puan niya ang Department of Agriculture bilang concurrent secretary pero wala ring nabuong solusyon hanggang makapagtalaga siya ng regular na kalihim.

Ngayon, sinasabi ng Presidente na na-delay ang imple­­men­­tasyon niya sa P20 per kilo ng bigas dahil inuna ng admi­­nistrasyon ang pagpuksa sa smugglers. Parang napakatagal naman ng tatlong taon para magawa ang isang hakbang na kayang gawin ng pulisya o tagapagpatupad ng batas.

Wala rin tayong nabalitaan na mga opisyal ng pamahalaan na protector ng agricultural smugglers na sinibak. Dapat, by this time, wala nang umiiral na cartel na nagmamanipula sa presyo ng bigas at iba pang agricultural products.

Dapat din, wala nang ilegal na nagpupuslit sa bansa ng mga produktong agricultural tulad ng bigas at sibuyas na nag­papahirap sa taumbayan.





Source link

share it
Facebook
Twitter
LinkedIn
Reddit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Article