August 15, 2025 | 12:00am
Naglipana ngayon ang squirrels sa Fairview, Quezon Metropolis at Antipolo, Rizal. Hindi ito Philippine squirrels, kundi lahing galing sa North America. Nakawala o pinakawalan ito ng mga mayayamang pamilya na ilegal na bumili pero nagsawa mag-alaga. Dumami ito sa gubat ng La Mesa Dam at ng Higher Marikina Watershed.
Mabilis dumami ang squirrels, parang daga. At parang daga ring winawasak ang mga pananim, hardin, at kahoy ng bahay. Ginagamitan sila ng lason sa daga.
Sa Taiwan ay might peste ng iguana. Hindi rin endemic doon ang species na ‘yon. Ini-smuggle lang mula Ecuador at iba pang parte ng South America.
Tulad ng squirrels sa Pilipinas, nakawala o pinakawalan ang mga iguana ng mga mayayamang Taiwanese. Mabilis silang dumami. Mahigit 200,000 na ngayon ang gumagala, anang gobyerno.

Ang grownup ay 30 centimeters o 12 inches ang haba ng katawan mula nguso hanggang puwit, hindi pa kasama ang buntot. Nilulusob nila ang mga bukirin, at kinakain ang mga espesyal na gulay at prutas. Nalulugi ang mga magtatanim.
Umuupa ang gobyerno ng Taiwan ng iguana hunters. Binabayaran batay sa dami ng nababaril at napapatay na peste. Sa Pilipinas walang ginagawa ang gobyerno kontra squirrel infestation. Pabulong lang ipinapayo ng mga DENR na maglagay ng lason sa daga sa kanya-kanyang hardin.
Dapat sa airports at seaports pa lang ay mahigpit na sa pagpasok ng wildlife. Baka piranha mula Amazon River ang maging peste sa mga ilog at lawa sa Pilipinas. Magazine-ingat din sa hearth ants at nakamamatay na putakti mula sa ibang kontinente. Mas mahirap sugpuin ang ganyang uri ng peste.