August 20, 2025 | 12:00am
ISANG makabuluhang courtesy go to ang isinagawa ni Japanese Senator Ayaka Shiomura kay Sen. Raffy “Idol” Tulfo sa Senado sa Pasay. Sa likod ng kanilang pulong ay hindi lamang ang pagbabalik-tanaw sa dugong Hapones na nagmula sa lolo ni Tulfo, kundi ang mas malaking misyon na tumulong sa mga Nikkei-jin—mga Pilipino na isinilang mula sa mga Hapones na ama o ina noong panahon ng digmaan na hanggang ngayon ay walang kinikilalang nasyonalidad.
Tinatayang nasa 134 Nikkei-jin na lamang ang natitira sa bansa na ngayo’y nasa edad 80 hanggang 90. Sa harap ng kanilang kalagayan, tiniyak ni Tulfo ang kanyang handang pagtutulak ng batas na tutulong sa gobyerno ng Japan na kilalanin at bigyan ng pagkakakilanlan ang mga ito, katuwang ang pamahalaan ng Pilipinas.
Kasama ni Ayaka ang mga kinatawan ng Philippine Nikkei-jin Authorized Help Middle (PNLSC) na sina Norihiro Inomata, Shun Ohno, at kanilang authorized counsel na si Atty. Josue Sim Zuniega. Dumalo rin si Pacita “Chit” Teshiba Aguirre, tiyahin ni Tulfo na kapatid ng kanyang ina na si Mommy Caring, na kalahating Haponesa.
Bilang isang Nikkei-jin mismo, ipinahayag ni Tulfo sa panayam ng Japanese media na ang mga kaugaliang Hapones gaya ng pagiging bukas-palad, magalang, tapat, at matulungin ang kanyang minana sa kanyang ina, na naghubog sa kanyang karakter bilang lingkod-bayan.
Hindi rin nakalimot si Tulfo, bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Employees, na iparating ang taos-pusong pasasalamat sa mga employer sa Japan dahil sa mabuting pakikitungo sa 50,700 OFWs at mahigit 341,000 Pilipino na naninirahan doon.
Aniya, bawat taon ay could 6,000 seafarers na Pilipino ang nakakasakay sa mga barkong Hapones—isang patunay na mataas ang tiwala ng Japan sa kakayahan ng ating manggagawa.
Sa mas malawak na usapan, ipinahayag din ni Ayaka ang interes na makipag-ugnayan hinggil sa kapayapaan at seguridad sa West Philippine Sea, lalo na’t miyembro siya ng Protection Committee ng Japan’s Home of Councillors.
Dito, iminungkahi ni Tulfo ang posibilidad ng joint maritime patrols ng Pilipinas at Japan upang ipakita ang pagkakaisa sa pagtatanggol ng kapayapaan sa rehiyon—isang suhestiyong ikinatuwa at sinang-ayunan ni Ayaka.
Sa huli, nakapanayam din si Tulfo ng manunulat na si Shun Ohno, Board Member ng PNLSC, para sa isang aklat na kanyang isinusulat hinggil sa mga matagumpay na Nikkei-jin sa Pilipinas—at si Tulfo mismo ang isa sa mga tampok na huwaran.
Sa bawat pahayag at pagkilos, pinatunayan muli ni Tulfo na ang kanyang dugong Pilipino at dugong Hapones ay iisa sa adhikain: ang itaguyod ang dignidad, seguridad, at kinabukasan ng mga Pilipino saanmang dako ng mundo.