Sa palagay mo ba may makukulong agad?

by Philippine Chronicle

SAPOLJarius Bondoc – Pilipino Star Ngayon

November 21, 2025 | 12:00am

Kung umaasa kang may makukulong kaagad dahil sa peke at palpak na flood control projects, good luck na lang sa iyo. Hindi ‘yun mangyayari.

Hindi basta mga tao ang problema. Ang ugat ay bulok na sistema.

Aabutin nang dalawang dekada bago ma-resolba ang sakdal sa mga tiwaling kontratista, DPWH engineers, at puli­tiko. Baka maabsuwelto pa nga, imbis na masentensiyahan sila.

Isasakdal din ba ang mga pulitikong tumanggap ng kontribusyon mula sa kontratista nu’ng Halalan 2022 at 2025? Nangunguna diyan sina President Bongbong Marcos at VP Sara Duterte. Isama pa si dating Senate President Chiz Escudero at limang kapwa maka-Duterte. Huwag kalimutan ang 67 kontratista na nag-ambag sa kapwa pulitiko.

Bawal sa Omnibus Election Code, Section 90 na mag-ambag ang kontratista sa pulitiko o partido. Pati ang tumang­gap ay may parusa: isa hanggang anim na taong kulong, pag-alis at habambuhay na pagbawal sa posisyon.

Sangkot din sa flood works at bawal na kontribusyon ang COA at Comelec. Itinago ng Ombudsman ang statements of assets, liabilities, and net worths ng opisyales.

Pati mga taga-Gabinete ay sangkot sa congressional insertions o pork barrels. Trilyong piso ang nawaldas.

Dapat baguhin ang sistema. Buwagin ang political dynasties – kutsabahan ng mga magkakamag-anak para man­dambong. Ibalik ang manual election sa presinto; result trans­mission at canvassing lang ang automated – para bawas dayaan. Bigatan ang parusa sa mga bugok na mahistrado – para matakot lahat na lumabag sa batas.

Pinaka-mahigpit dapat ang batas sa President at VP.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00