November 28, 2025 | 12:00am
HUWAG tayong pa-easy-easy. Hindi ang malaking kapatiran part 2 ang “Baha sa Luneta 2.0.”
Ibang grupo ang nagluluto nito at hindi sila interesado sa transparency o accountability.
Ang habol nila? Gulo. Ingay. At pulitika nilang bitbit lagi.
Kasi ‘yung mga kaliwang grupo na namumuno rito—Bayan, CPP, at tropa nila—paulit-ulit lang ang drama: ibagsak ang gobyerno. Kahit hindi naman ‘yon ang usapan nitong flood-control scam.
Kaya huwag magtaka kung may mga biglang hihiwalay sa crowd at susugod sa Mendiola para gumawa ng eksena. Luma nang teknik.
Sa kabilang banda, may “Trillion Peso March Part 2” din—mas matinong rally, pinangungunahan ng simbahan, civil society, at moderates na gustong papanagutin ang mga sangkot sa DPWH flood-control raket.
Ito ‘yung legit na galit ng taumbayan.
Pero itong KBKK? Aba, gusto raw pababain at ikulong sina BBM at Sara, at magbuo ng transition council.
Transition council? Para sila ang umupo? Ay ungas, sobra naman sa trip.
Buti na lang mismo mga obispo—Caritas Philippines, Bishop Bagaforo, Bishop Cortes—ayaw sa kalokohang unconstitutional na ‘yan.
Linaw nila: labanan ang korapsiyon, oo; pero hindi guluhin ang proseso ng demokrasya.
Samantala, lumalalim ang imbestigasyon. Sabi ni ICI Commissioner at dating DPWH Sec. Rogelio Singson, aabot sa 1,200 katao ang posibleng makasuhan dahil sa 80 flood-control projects na may bahid ng raket.
Ito dapat ang inuugatan ng galit—hindi ‘yung parebolusyon style na walang saysay.
Kaya simple lang: May rally para sa katotohanan. May rally para sa kalokohan.
Doon ka sa may saysay.
DISCLAIMER: Opinyon itong artikulo base sa pampublikong impormasyon. Hindi ito paratang ng kriminal na pananagutan maliban sa mga kasong iniimbestigahan ng awtoridad.
