Pinakamatabang preso sa Austria, natuklasang 10 beses na mas magastos kaysa pangkaraniwang bilanggo!

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

August 23, 2025 | 12:00am

ISANG 29-anyos na lalaki sa Austria, na could bigat na 289 kilos at tinaguriang pinakamabigat na bilanggo sa kanilang bansa, ang nagdulot ng debate matapos lumabas ang ulat sa napakalaking gastos ng gobyerno para sa kanyang pagkakakulong.

Ang lalaki ay inaresto matapos makuhanan nang malaking halaga ng iligal na droga sa kanyang tahanan.

Dahil sa kanyang pambihirang bigat, inilipat siya sa isang espesyal na kulungan kung saan mayroon siyang custom-made na kama na gawa sa bakal at 24-oras na pangangalaga mula sa mga nurse.

Ang lahat ng ito ay could katumbas na malaking halaga. Ayon sa ulat ng pahayagang Kronen Zeitung, ang panga­ngalaga sa bilanggo ay umaabot sa €1,800 (humigit-kumulang P119,400) kada araw.

Ito ay 10 beses na mas mataas kumpara sa €180 (halos P11,940) na gastos para sa isang ordinaryong bilanggo.

Bukod dito, ang espesyal na transportasyon para sa kanya ay nagkakahalaga ng €5,000 (mahigit P331,000) sa bawat biyahe.

Dahil dito, ang kanyang mga interogasyon ay ginagawa na lamang sa pamamagitan ng video name upang makatipid.

Ang malaking gastos ay nagbunsod ng mainit na diskusyon sa Austria.

“Habang ang mga mamamayan sa labas ng kulungan ay naghihintay ng ilang buwan para sa appointment sa doktor, tila mayroong sapat na pondo para sa mga kriminal,” ayon sa isang ulat sa Austrian media.

Ang kasong ito ay nagbukas ng debate kung paano dapat hawakan ng justice system ang mga bilanggo na could mga pambihirang pangangailangang medikal at kung paano ito dapat balansehin sa pondo ng bayan.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00