Paraan para mabawasan ang stress

by Philippine Chronicle

DOC WILLIEDr. Willie T. Ong – Pilipino Star Ngayon

November 30, 2025 | 12:00am

1. Ihiwalay ang malaking gawain sa mas maliit na gawain. Kung ang inyong mga gawain ay masyadong marami hatiin ito sa maliliit na gawain at gawin ito ng paisa-isa. Panatilihin na nakatuon ang isip sa mga gawain na ginagawa sa halip na isipin ang mga susunod pang mga gawain.

2. Matutong tumanggi, kung nakararamdam ng sobrang tuwa sa inyong personal at propesyonal na responsibilidad, subukan na umurong at pag-isipang mabuti kung ano ang aalisin.

3. Magkaroon nang maikling pahinga habang nagtatrabaho. Tumayo sa iyong lamesa at mag-unat, o gamitin ang iyong lunch break para maglakad sa park.

4. Palitan ang inyong araw-araw na pressure ng phy­sical na gawain. Ang healthy lifestyle ay ang iyong mabu­ting de­pensa panlaban sa stress. Sundin ang balanced diet, limitahan ang pag-inom ng kape at alak at kumuha ng sapat na tulog.

5. Ibahagi ang iyong nararamdaman. Kumausap sa inyong matalik na kaibigan o miyembro ng pamilya, ang mga malulungkot na tao ay mas nakararanas ng stress at hindi malusog na pangangatawan.

6. Subukan ang meditation. Ang meditation ay nagpapa­taas ng immune function, nakabababa ng pangamba, at tumutulong na mas maka-isip ng mga kapaki-pakinabang na bagay.

7. Sa bawat araw gawing sentro ang iyong sarili, Sa halip na bumangon agad sa kama, isipin ang mga bagay na may­roon ka o mga dapat na ipagpasalamat, o kaya naman ay mag­basa ng maaaring makapagpa inspire sa iyo na kung ano ang kabuluhan ng buhay.

8. Pagkakaroon ng payapang isip ang dapat unahin. Kung nawala ito sa iyo, gumawa ng paraan na maibalik ito.

9. Tawagan ang ilang kaibigan o kaya naman, maglakad ng 30 minuto para mawala ang stress.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00