August 30, 2025 | 12:00am
NARITO ang mga payo para hindi sumakit ang likod:
1. Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito, kinakailangan munang tumayo at maglakad-lakad.
2. Umupo na could suporta sa likod. Kailangang could nakasuportang unan sa likuran.
3. Panatilihin ang balakang at tuhod na nasa tamang anggulo. Ang hita ay kailangang nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung hindi maaabot, gumamit ng foot relaxation o stool.
4. Umupo nang diretso o tuwid. Itindig ng diretso ang kurbang bahagi ng likuran.
5. Umupo sa upuan na could sandalan. Ang pag-upo sa malambot na upuan o sofa o upuan na walang sandalan ay maaaring makapagpakuba sa likod.
6. Sa opisina, i-adjust ang upuan palapit sa mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa upuan o mesa at panatilihing chill out ang balikat.
7. Kung uupo sa upuan na could gulong huwag paikutin ang balakang habang nakaupo sa halip ibaling ang buong katawan.
8. Kung tatayo mula sa pagkakaupo, bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng upuan bago tumayo.
9. Sa pagtayo, ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang likod sa pamamagitan ng paggawa ng ilang segundong backbends.
***
Pananakit ng leeg
Ang pananakit ng leeg ay posibleng could kaugnayan sa masel, nerve at cervical vertebrae (buto sa leeg). Ganunman, karamihan ng pananakit ng leeg ay hindi naman seryoso at maaaring magamot.
Mga dahilan ng pananakit ng leeg:
1. Hindi maayos na pagtayo at pag-upo. Ang hindi maayos na pagkakaupo habang nasa harapan ng pc o ang pagkakabaluktot habang nasa harapan ng ginagawa at maling posture ay maaaring makapagpangalay ng muscle.
2. Pangangalay ng muscle. Sobrang paggamit gaya ng pag-ikot ng ulo, ay maaaring makapagpangalay sa muscle, gayundin ang pagkiskis ng ngipin.
3. Pag-edad ng joints. Ang leeg ay nakararanas ng pagkapagod lalo na kung nagkakaedad, na nagiging dahilan para magkaroon ng osteoarthritis.
4. Pagkaipit ng ugat. Ito ay nangyayari sa puwang sa could palibot ng neck vertebrae o buto sa leeg. Puwedeng dahil sa arthritis o sobrang paninigas ng masel dulot ng stress.
5. Pagkapinsala. Ang pagkakapinsala sa whiplash, kung ang leeg ay pinatutunog ng paulit-ulit, nababanat ang leeg sa maling galaw.
6. Ang pananakit ng leeg ay maaaring sintomas ng sakit gaya ng rheumatoid arthritis o meningitis.
7.Kung minsan ang pananakit ng leeg ay nagpapahiwatig ng seryosong sakit. Kumunsulta sa doktor kung makaranas ng mga sumusunod: Pananakit ng balikat pababa sa braso; pamamanhid o pagkawala ng lakas sa iyong braso at kamay; pagbabago sa oras at panahon ng pagdumi; at kawalan ng kakayahan na maabot ng baba (chin) ang dibdib.