November 17, 2025 | 12:00am
KUNG hindi mo pa naririnig, may magandang balita, nakasungkit ang NAIA ng global customer-experience accreditation mula sa Airports Council International (ACI).
Oo, ‘yung bigatin na international group na kumakatawan sa libu-libong airport sa buong mundo. Hindi biro ‘to, first time ever na umabot sa ganitong antas ang NAIA.
Ika nga, Level 1 Airport Customer Experience Accreditation ang nakuha nila. Ibig sabihin, pasado sila sa international standards pagdating sa pag-aalaga sa pasahero, mula pagpasok mo hanggang pag-alis mo.
Sabi nga, “maganda na raw.” Sinurvey sila ng ACI mismo, mula Hulyo hanggang Setyembre 2025. May 700 na pasahero sa arrivals at departures na nagbigay ng real-time feedback.
At guess what? Perfect compliance sa data at sampling requirements.
‘Di lang sila pumasa, pasok sila sa global benchmarking, meaning puwede nang i-compare ang NAIA sa malalaking airport abroad.
Simula nang pumasok ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ‘yung grupo ng San Miguel at Incheon International Airport doon nagkaroon ng seryosong overhaul. One year pa lang sila in charge pero kita na ang resulta.
Umabot sa 50 million passengers a year ang inaasikaso ng NAIA. Hindi biro ang volume, pero gumaganda ang sistema. Tumaas ang passenger satisfaction score sa 4.06 out of 5 lagpas sa kailangan ng kontrata.
Mas maayos at mas palakaibigan daw ang staff. Mas mabilis ang check-in at mas presentable at hindi na mukhang luma ang terminals.
Si Ramon S. Ang ng SMC-NNIC pa nga ang nagsabi: “Maaga palang tayo nakakuha ng accreditation — malaking bagay ‘yan. Marami pa tayong gagawin pero gumagalaw tayo dahil sa hirap at tiyaga ng mga tao sa NAIA.”
Sa ngayon may 6,000 sqm na Mezzanine Food Hall sa Terminal 3 hindi na kailangan maghanap ng matinong kainan. May parating pang bagong food halls sa Terminal 1 at 2 sa early 2026.
Ina-upgrade ang physical infrastructure mas maayos na kuryente, mas modernong baggage system, biometric check-ins, at digital info systems.
Ibinalita ni RSA, may P57 billion ang na-remit ng NNIC sa gobyerno sa unang taon pa lang pinakamalaki sa history ng airport concessions sa bansa. Hindi lang pasahero ang nakikinabang pati gobyerno at publiko may balik.
Kung tutuusin, hindi pa perpekto ang NAIA malayo pa ang lalakbayin pero sa wakas, may direksyon na at may nakikitang totoong progreso.
At bilang pasahero, importante talaga na alam natin kung saan napupunta ang mga pagbabago. Kasi minsan, hindi mo mapapansin ‘yan hangga’t hindi mo nalalaman kung ano ang pinagdaanan para umabot sa ganitong level.
