Mga ninuno ni Hesukristo naligaw din ng landas

by Philippine Chronicle

SAPOLJarius Bondoc – Pilipino Star Ngayon

December 22, 2025 | 12:00am

DIYOS Anak si Hesukristo. Pero ipinadala Siya ng Diyos Ama sa mundo sa anyong tao. Maliban kina Adan at Eva lahat ng tao ay may ninuno. Si Hesukristo ay may mga ninuno. Nilahad ito ni Mateo sa Unang Kapitulo ng Ebanghelyo niya:

“Talaan ng mga Ninuno ni Hesukristo”

“1Ito ang talaan ng mga ninuno ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

“2-11 Mula kay Abraham hanggang kay Haring David, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid; Juda na ama ni Fares at Zara kay Tamar; Fares, Esrom, Aram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz na anak ni Salmon kay Rahab; Obed na anak ni Boaz kay Ruth; at Jesse na ama ni Haring David.

“6b-11 Mula naman kay Haring David hanggang sa naging bihag ang mga taga-Juda sa Babilonia, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: David, Solomon na anak ni Haring David sa asawa ni Urias, Rehoboam, Abias, Asa, Jehoshafat, Joram, Ozias, Jotam, Acaz, Ezequias, Manases, Ammon, Josias, Jeconias at ang mga kapatid nito.

“12-16 At pagkatapos na sila’y maging bihag sa Babilonia hanggang sa ipanganak si Jesus, ang mga ninuno niya ay sina: Jeconias, Salatiel, Zerubabel, Abiud, Eliakim, Azor, Sadoc, Aquim, Eliud, Eleazar, Matan, Jacob, at si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang ina ni Jesus—ang tinatawag na Kristo.

“17 Samakatuwid, may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia, at labing-apat din mula sa pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.”

Nasa Lumang Tipan ang talambuhay ng mga ninuno. Marami sa kanila ay naligaw ng landas. Sumuway sa utos ng Diyos. Walang pinagkaiba sa mga kasalukuyang political dynasties sa Pilipinas.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00