Mga nangyayari kapag uminom ng maligamgam na tubig

by Philippine Chronicle

DOC WILLIEDr. Willie T. Ong – Pilipino Star Ngayon

August 19, 2025 | 12:00am

1. Magandang blood circulation – Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansiya sa ating katawan.

2. Mabuti sa tiyan – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng ating kinain. Mahusay din para makapasok ang sustansiya sa ating katawan.

3. Maayos na tulog – Ayon sa analysis, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para marelaks ang katawan at makatulog. Maiiwasan din ang ma­gising sa madaling araw, para maging malakas sa susunod pang mga araw.

4. Magandang panunaw – Ang mainit na tubig ay sinasabing madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas maraming tubig sa nakonsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapang dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta ng malalang constipation o pagtitibi at magresulta ng iba pang problema.

5. Common ang pagdumi – Kung kumpleto sa rami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging common ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madaling mailabas.

6. Mababawasan ang stress – Ang isang tasang mali­gam­gam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at nervousness.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00