September 13, 2025 | 12:00am
ILANG doktor sa South Korea ang nagulat nang could matagpuan silang mga hibla ng purong ginto sa tuhod ng kanilang pasyente na ginagamot nila sa sakit na knee osteoarthritis!
Ang pasyente, na hindi pinangalanan, ay matagal nang nakaranas ng matinding sakit at paninigas ng tuhod dahil sa osteoarthritis.
Matapos hindi maging epektibo ang mga tradisyonal na gamot tulad ng painkillers at steroid injections, sinubukan niya ang alternatibong medisina: ang kontrobersyal na gold thread acupuncture.
Nagsimula ang babae sa lingguhang sesyon kung saan ang maliliit na hibla ng ginto ay inilalahomosexual sa paligid ng kanyang tuhod. Ngunit sa halip na bumuti, lalo pang lumala ang sakit, kaya’t mas madalas siyang bumalik sa acupuncturist.
Sa huli, lumala nang husto ang sakit kaya napilitan siyang bumalik sa ospital.
Isang X-ray ang nagpakita na nanigas na ang panloob na bahagi ng tibia at paglaki ng buto sa tuhod, na mga karaniwang sintomas ng osteoarthritis.
Ngunit ang mas nakakagulat, natuklasan din ang daan-daang maliliit na sinulid na ginto na nakabaon sa tissue sa paligid ng tuhod.
Nagbabala ang mga doktor na ang gold thread acupuncture ay walang scientifically-proven na benepisyo at nagdudulot pa ng maraming panganib. Ito ay maaaring magdulot ng cysts, gumalaw sa loob ng katawan, at makapinsala sa mga nakapaligid na tissue.
Maaari rin itong maging hadlang sa paggawa ng MRI scans, na posibleng makasagabal sa life-saving diagnoses.
Ang kasong ito ay nagbibigay-diin sa panganib ng paggamit ng mga alternatibong medisina na walang siyentipikong basehan, lalo na kung ito ay nagiging dahilan ng pagpapaliban sa mas epektibong medical process.