Mahahalagang payo para sa kalusugan

by Philippine Chronicle

DOC WILLIEDr. Willie T. Ong – Pilipino Star Ngayon

September 1, 2025 | 12:00am

1. Kumain ng sapat na protina – Ang protina ay maaaring­ magpalakas ng metabolismo. Maaari nitong mabawasan ang cravings o pagnanais na mag-snack muli sa gabi. Ngunit ang pagkain ng sunog na karne ay maaaring magpataas ng pa­nganib ng kanser.

2. Kumain ng mga gulay at prutas – Ang mga gulay at prutas ay puno ng fiber, bitamina, mineral at maraming anti­o­xidant. Ayon sa eksperto, ang mga taong kumakain ng karamihan sa mga gulay at prutas ay nabubuhay nang mas mahaba. Mababawasan din ang sakit sa puso, kind 2 diabetes, labis na katabaan at iba pang mga sakit.

3. Magazine-ehersisyo ng common – Ang ehersisyo ay makatutulong para sa iyong psychological at pisikal na kalusugan. Ito ay epektibo sa pagbawas ng taba sa tiyan o stomach fats.

4. Matulog ng sapat – Iwasan ang maliliwanag na ilaw bago matulog. Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng sleep hormone o melatonin. Ang kulang sa tulog ay maaaring magdulot ng panganib sa diabetes at hormonal imbalance.

5. Iwasan ang mga bisyo – Limitahan ang pag-inom ng alak, huwag manigarilyo at lalong huwag magdroga.

6. Alagaan ang iyong relasyon sa buhay – Ang pamilya at kaibigan ay napakahalaga hindi lamang para sa iyong kaisipan kundi sa iyo ring pisikal na kalusugan. Ang mga taong could malapit na kaibigan at pamilya ay mas malusog at mas mahaba ang buhay kaysa sa mga wala nito.

7. Umiwas sa mga pausong food plan o fad diets – Huwag basta maniniwala sa mga nauusong diyeta. Ayon sa pag-aaral, ang mga nag-diet ay panandalian lang ang epekto ay lalo lang bu­mibigat ang timbang tapos mag-diet. Sa halip na mag-diet, subukan ang mag-healthy life-style. Ibig sabihin, maging wholesome sa kinakain, sa pag-ehersisyo, sapat na tulog at tamang pag-iisip sa araw-araw.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00