LGUs, hinikayat ni Nartatez na magtayo ng firecracker zones!

by Philippine Chronicle

DIPUGANon Alquitran – Pilipino Star Ngayon

December 25, 2025 | 12:00am

Merry Christmas mga kosa!

-oooooo-

Habang papalapit na ang New Year revelry, hinikayat ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang mga local government units (LGUs) na magtayo ng designated firecracker zones sa kani-kanilang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy.

Nanawagan din si Nartatez sa mga kabataan na ‘wag na gumamit ng bawal na paputok dahil kalimitan sa hanay nila nanggaling ang bilang ng sugatan sa naturang okasyon.

“The safe celebrations of the New Year is a shared respon­sibility. On the part of the PNP, we will exhaust all measures to prevent the proliferation of illegal firecrackers and ensure police visibility.,” ani Nartatez. “Let us work together to have safe and meaningful New Year celebrations,” ang panawagan ni Nartatez sa mga LGUs.

Iniutos din ni Nartatez sa mga police commanders na paigtingin ang kanilang operation laban sa bawal na paputok, at targetin din ‘yaong nagbebenta ng mga ito sa social media. Paktay kayo ngayon! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Tulad ng mga nakaraang New Year revelry, itong fire­cracker zones mga kosa ay itinatayo sa mga bakanteng lote o mga lugar na malayo sa kabahayan. May bantay dapat na barangay officials dito para maiwasan ang disgrasyang dulot ng bawal na paputok. Mismooo!

Sa monitoring ng PNP, maraming Pinoy na ang gumagamit ng mga firecrackers at sinisiguro ng liderato ni Nartatez na walang bawal na paputok ang makalusot sa kanilang hanay.

Ang mga paalala ni Nartatez ay inilahad n’ya matapos mag­sagawa ito ng inspection sa Bocaue, Bulacan, kasama si PRO3 director Brig. Gen. Rogelio “Podjie” Peñones Jr., upang sigu­ruhing sinusunod ng mga stakeholders ang alituntunin ng Firearms and Explosive Office (FEO).

May katwiran namang kumilos ng maaga si Nartatez upang mapababa ang firecracker injuries sa darating na New Year revelry. Sa nakaraang okasyon, apat ang namatay at mahigit 800 ang nasugatan, ayon sa talaan ng PNP. Hehehe! Kanya-kanya gimik lang ‘yan!

“Nanawagan po tayo sa lahat ng local government units (LGUs) na magtalaga ng firecracker zones o fireworks areas kung saan ligtas at kontrolado ang pagbebenta at paggamit ng firecrackers,” ang pahayag ni Nartatez.

Kasama kasi ni Nartatez sa pag-inspection sa Bucaue firecracker stalls si Bulacan Gov. Daniel Fernando at iba pang local officials.

“Ang designated zones po ay malaking tulong para maiwasan ang aksidente, ma-regulate ang pagbebenta, at matulungan din ang legitimate small businesses na sumusunod sa batas,” ang dagdag pa ni Acting PNP chief.

Malakas ang paniwala ni Nartatez na ang pagkilos ng maaga upang mapababa ang firecracker injuries ay hindi lang shared responsibility ng LGUs, kundi maging iba pang ahensiya ng gobyerno. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa parte naman ng PNP, pinaigitng ni Nartatez ang kanilang intelligence gathering upang matukoy at maaresto ang mga nagtitinda ng bawal na paputok.

Aniya, magsasagawa din sila ng surprise inspections sa mga stalls, warehouses at storage areas, at pati na ang karagdagang visibility patrols sa residential communities, public markets at online platforms.

Kaya sa mga kosa kong gustong kumita ng barya d’yan, ingat-ingat din para hindi kayo sa kulungan mag-New Year. Sanamagan!

Abangan!


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00