December 3, 2025 | 12:00am
ISANG 67-anyos na lalaki sa Chengdu, China ang natuklasang may lighter sa loob ng kanyang tiyan sa loob ng 30 taon. Nagulantang ang mga doktor sa natuklasan. Matagumpay nilang natanggal ang lighter sa tiyan ng lalaki.
Mas lalong nagulat ang mga doktor nang malaman na gumagana pa ang lighter dahil sinubulan itong sindihan matapos ang operasyon.
Ayon sa pasyenteng si Deng, nilunok niya ang lighter noong early 1990s bilang bahagi ng isang “dare” habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan.
Sa loob ng 30 taon, inakala niyang nailabas na niya ito sa pagdumi, kaya hindi niya ito ipinaalam sa kanyang pamilya.
Hanggang makaranas siya nang matinding sakit ng tiyan at bloating. Nahirapan ang mga doktor na tanggalin ito gamit ang endoscopy dahil madulas na ang casing sanhi ng corrosion, kaya gumamit sila ng espesyal na teknik para mahugot ito.
Paliwanag ng mga eksperto, gawa sa matibay na plastik (polypropylene o ABS) ang casing ng lighter kaya hindi ito tuluyang natunaw ng stomach acid sa kabila ng mahabang panahon.
