Lagnat | Pilipino Star Ngayon

by Philippine Chronicle

DOC WILLIEDr. Willie T. Ong – Pilipino Star Ngayon

September 13, 2025 | 12:00am

NARITO ang mga dapat gawin kapag nilalagnat:

1. Kung walang thermometer, puwedeng gamitin ang balat sa likod ng ating kamay at ipatong sa noo o leeg ng pasyente. Mas sensitibo itong parte ng kamay (sa might kamao pababa sa mga daliri) kumpara sa ating palad.

2. Uminom ng 8-12 basong tubig o likido sa isang araw. Pinakamaganda ang tubig lang, ngunit puwede ring uminom ng fruit juice. Ang pag-inom ng tubig ay nakapagpapababa ng lagnat dahil inilalabas nito ang init ng katawan sa pama­magitan ng pag-ihi.

3. Punasan ng basang tuwalya ang katawan. Ang pag­pu­punas sa maiinit na parte ng katawan tulad ng singit, kili­kili at leeg ay nakapagpapaginhawa sa maysakit. Huwag basain ang buong katawan, kundi ilang parte lamang. Kapag napunasan na ang katawan ay huwag itong tuyuin. Ha­yaan mag-eva­po­charge ang tubig para sumingaw ang init sa katawan.

4. Huwag magbalot ng kumot o jacket. Kahit ika’y gini­ginaw (dahil sa pagtaas ng lagnat), huwag magbalot ng kumot dahil lalo lang tataas ang lagnat.

5. Dapat ay hindi mainit o kulob ang iyong kuwarto. Kung might aircon o electrical fan ay buksan ito. Ang preskong hangin ay makatutulong sa pagdaloy ng oxygen.

6. Kumain ng sapat at masustansya. Kailangan ng kata­wan ang lakas para labanan ang sakit. Ang lugaw, prutas at gulay ay mabuti sa katawan.

7. Matulog at magpahinga. Ito talaga ang nagpapalakas sa katawan.

8. Puwedeng uminom ng Paracetamol pill o syrup tuwing apat na oras kapag mataas ang lagnat sa 38.5 levels Centigrade. Kumunsulta sa doktor kung lampas sa 39 levels ang lagnat, masama ang pakiramdam o higit sa tatlong araw ang lagnat.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00