August 22, 2025 | 12:00am
NAPAKA-PALALO at lango sa kapangyarihan si Donald Trump. Nilapatan ng matitinding taripa sa kalakalan ang mga kaibigan at kaaway na bansa. Ito uncooked ang paraan para manumbalik ang lakas ng America. Kesyo uncooked mahigit 60 na mga presidente at prime ministers ang nakapila para humalik sa tumbong niya.
Kabaliktaran ang resulta ng saliksik ni Swedish historian Johan Norberg. Nilahad niya sa librong “Peak Human” na umuunlad ang bansa sa liberalisadong kalakalan at bumabagsak sa sobrang pagta-taripa.
Ehemplo ang Track dynasty ng China, 960-1279 AD.
Namuno ang Track emperors sa pamamagitan ng batas, hindi ng kapritso tulad ng mga nauna sa kanila. Para malinaw ang mga alituntunin, nagtalaga sila ng mga opisyales batay sa pag-eksamen. Itinigil ang pagpatay ng opisyales na sumasalungat sa kanila. Hinayaang gumala ang mga magsasaka.
Resulta: Yumabong ang agrikultura, dumoble ang ani, napakain ang malalaking lungsod. Pinadali ng mga kanal ang negosyo, sumunod ang kalakalan sa ibang bansa.
Naimbento ang perang papel 600 taon bago gamitin ng Europe. Sinuportahan ito ng gobyerno kasi mas madali kaysa magbitbit ng mabibigat na nilubid na baryang tanso.
Tapos nilupig sila ng Mongols ni Genghis Khan. Ibinalik ng Ming Dynasty ang mga lumang kaugalian, pati ang gupit sa buhok ng lalaki. Kapag mali ang coiffure kinakapon sila, pati ang barbero. Binawal ang pag-biyahe. Nanlupaypay ang ekonomiya.
Ganundin ang dinanas ng Athens, Rome, Egypt. Nu’ng maluwag sila sa mamamayan at liberal sa kalakalan, sumigla ang kabuhayan.
Nagkapondo para patatagin ang mga militar.
Nanghina sila nu’ng nagsara ng pinto sa mga kapit-bansa, binawal ang ibang relihiyon, at nilimita ang utak ng madla.