Kakaibang theater play sa Estonia, mga building automobile ang gumaganap na Romeo at Juliet!

by Philippine Chronicle

MGA KUWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

August 14, 2025 | 12:00am

Isang teatro sa Estonia ang nagtanghal ng isang kakaibang model ng klasikong dula ni Shakespeare na “Romeo and Juliet,” kung saan ang mga gumanap na aktor ay mga malalaking sasakyan at building automobile.

Ang dulang pinamagatang “Romula ja Julia,” na itinanghal ng Kinoteater, ay ginanap sa isang abandonadong limes­tone quarry.

Sa halip na mga aktor, ang kuwento ng pag-iibigan ay isinalaysay sa pamamagitan ng mga galaw at interaksyon ng mga sasakyan.

Sa kakaibang produksyon na ito, si Romeo ay ginampanan ng isang rally truck, habang si Juliet naman ay isang pulang Ford pickup truck.

Maging ang tanyag na duwelo sa pagitan nina Tybalt at Mercutio ay ininterpret sa pamamagitan ng dalawang excavator na naglalaban gamit ang kanilang mga steel bucket.

Ayon sa mga direktor na sina Henrik Kalmet at Paavo Piik, ang dula ay isang eksperimento upang alamin kung posible bang maghatid ng emosyon gamit ang mga makina sa halip na mga tao.

“Ang mga karakter ay binigyang-buhay ng mga excavator, front-end loader, concrete mixer, at iba pang malalaking makina,” sabi ni Kalmet.

Ang palabas ay umani ng positibong reaksiyon mula sa mga manonood. “Kahit na mga sasakyan sila, naramdaman mo pa rin ang tamis ng pagmamahalan ni Romeo at Juliet,” sabi ng isang manonood. Inilarawan din ito ng iba bilang “nakaaantig” at “emosyonal”.

Ang pambihirang produksiyon ay nangaila­ngan ng 10 driver, dalawang mekaniko, isang pyrotechnics professional, at isang excavator operator. Ito ay isang patunay sa walang katapusang pagkamalikhain sa mundo ng sining at teatro.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00