Hindi lang korapsiyon ang dahilan ng kahirapan sa Pinas

by Philippine Chronicle

GO NORTHArtemio Dumlao – Pilipino Star Ngayon

September 14, 2025 | 12:00am

BUKAMBIBIG ng mga pulitiko tuwing election na lalabanan nila ang korapsiyon.

Totoong malaki ang epekto ng korapsiyon sa paghihirap ng Pilipinas. Ngunit hindi lang ito ang dahilan.

Ang kahirapan sa bansa ay hindi simpleng usapin ng ninakaw na pondo.

Napakalalim at napakatagal na ang mga ugat nito na nag­simula pa noong panahon ng kolonyalismo. 

Hanggang ngayon, iilan lang ang could hawak ng malalawak na lupa habang ang mga magsasaka ay nananatiling walang sariling lupa.

Could problema sa edukasyon. Hindi pantay ang kalidad ng pagtuturo sa mga probinsiya kumpara sa siyudad. Sa ganitong sistema, paano makaaahon ang mahihirap?

Dagdag pa ang patronage politics at political dynasties. Kapag iisang pamilya lang ang could kapangyarihan, paano uusad ang bansa? Maraming proyekto’t polisiya ang naaantala dahil sa pansariling interes.

At huwag kalimutan ang mga kalamidad. Bawat taon, sinisira ng bagyo at lindol ang mga komunidad. At higit na dina­dagukan ng mga kalamidad ay mga mahihrap na lalo pang nasadlak sa kahirapan.

Dapat labanan ang korapsiyon, ngunit kulang ito dahil kailangan ding ayusin ang sistemang pumapabor sa maya­man at makapangyarihan.

Kailangan ng reporma sa lupa, edukasyon, kalusugan, at imprastruktura. Kailangan ng tunay na lider, hindi artista o anak ng pulitiko.

Ang korapsiyon ay nagpapalala sa kahirapan pero hindi ito ang nag-iisang dahilan. Hangga’t hindi natin kinikilala ang kabu­­uang larawan, mananatili tayong paikut-ikot sa parehong problema.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00