Gen. Rosete, naka-focus sa kaso ni Bgy. Capt. Bucol!

by Philippine Chronicle

DIPUGANon Alquitran – Pilipino Star Ngayon

December 2, 2025 | 12:00am

WALANG dahilan para hindi malutas ng pulisya itong kaso ni Tres de Mayo Bgy. Captain Oscar “Dodong” Bucol Jr. na pinaslang noong nakaraang Martes habang nagpi-Facebook Live broadcast sa loob ng kanilang bahay sa Digos City. Bakit? Kasi mga kosa, nahuli sa bandang dulo portion ng video ni Bucol ang mukha ng gunman.

Kahit malabo, ma-enhance lang ito t’yak liliwanag ang mukha ng suspect. Ang pulang kotse naman na nakitang dumaan sa tapat ng bahay ni Bucol, abayyyyy matutunton ito sa back­tracking ng SITG na binuo ni PRO11 director Brig. Gen. Leon Victor Rosete. Mismooo!

Hindi lang ‘yan, halos P9 milyon na ang reward na ini-offer para sa pagkalutas ng kaso ni Bucol kaya’t marami tiyak ang may alam ang lulutang dito. Puwede kaya na mismong ang gunman ang lumutang para ituro ang mastermind ng sa gayon ay mapasakanya ang reward? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung sabagay, mayroon ng persons of interests itong SITG ni Rosete, kabilang na dito ang si Digos City police chief Lt. Col. Peter Glenn Ipong, na miyembro ng PNPA Class ’98, na adopted si Sta. Cruz Mayor Nelson “Tata” Sala.

Teka, teka, di ba itong si Tata Sala ang nasa likod ng gam­bling at mining operations sa Davao del Sur noong kapa­nahunan ni Tatay Digong? Tsk tsk tsk! Puro Digong supporters pala itong nagkagirian. Mismooo! Magsisilbing hamon sa kakayahan ni Rosete itong kaso ni Bucol. Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung sabagay, hindi lang naman sa kaso ni Bucol naka-focus si Rosete kundi maging sa anti-drugs campaign nya sa rehiyon. Ang maganda dyan, naaresto ng mga tauhan ni acting Davao City police director Col. Mannan Muarip si alyas Janjan ng Talomo town noong Nov. 26.

Sa kanyang report kay Rosete, sinabi ni Muarip na si Janjan­ ang Top 1 High Value Individual ng siyudad. Nakumpiska kay Janjan ang walong jumbo heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P9.1 milyon. Eh di wow!

“This accomplishment reflects the strong commitment of PRO 11 and DCPO to the campaign against illegal drugs,” ani Rosete. Idinagdag pa ni Rosete na ang pagkahuli kay Janjan ay alinsunod sa direktiba ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencion “Tateng” Nartatez Jr. na isulong pa ang kanilang anti-drugs campaign para malipol na ang droga sa Davao City. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi naman nagpahuli si RPDEU chief Lt. Col. Maynard Pascual at inaresto si alyas Bong, ang Top 2 HVI Regional Level at kinumpiska ang P1.149 milyong halaga ng droga. Kasama ni Pascual sa operation ang MDEU ng Sta. Cruz MPS, PDEA Region 11 at ang Provincial Intelligence Team ng Davao del Sur sa operation.

Ayon kay Pascual, ang pagkahuli kay Bong ay upang big­yan-diin ang kautusan ni Nartatez na lipulin ang mga high-value individuals na sangkot sa droga. Pinuri ni Rosete sina Muarip at Pascual, sabay utos na paigtingan pa ang kanilang kampanya laban sa droga upang panatilihing tahimik at mapayapa ang kanilang hurisdiksiyon.

‘Wag kukurap mga kosa at may pinaigting na follow-up ang mga tropa ni Rosete sa kaso ni Bucol. Maraming supporters pala itong si Bucol na ang hobby ay ang magbulgar ng mga katiwalian sa probinsiya. Abangan!


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00