Gamot na nakapagpapahaba ng buhay hanggang 150 taon, naimbento sa China!

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

November 15, 2025 | 12:00am

ISANG startup bioscience company mula sa Shenzen, China ang nag-anunsiyo na nakabuo sila ng isang tableta na teoretikal na maaaring magpahaba ng buhay ng tao hanggang 150 taon.

Ayon sa kompanyang Lonvi Biosciences, ang kanilang bagong gamot ay tina-target ang mga tinatawag na “zombie cells.”

Ito ay mga tumatandang cells sa katawan na hindi na nahahati ngunit patuloy na nagdudulot ng inflammation.

“Ito ay hindi lang basta ordinar­yong tableta. Ito ang ‘Holy Grail’,” pahayag ng Lonvi CEO na si Ip Zhu.

Dagdag pa niya, ang panguna­hing sangkap ng gamot ay hindi lang nakapagpapahaba ng buhay, kundi nakababawas din ng mga sakit na may kinalaman sa pagtanda.

“Ang mabuhay hanggang 150 ay talagang realistic,” sabi naman ni Lyu Qinghua, ang chief technology officer ng kompanya, sa New York Times. “Sa loob ng ilang taon, ito na ang magiging reyalidad.”

Ang nasabing gamot ay nakabase sa procyanidin C1 (PCC1), isang molecule na nakita sa mga buto ng ubas (grape seeds). Ang PCC1 ay una nang naiugnay sa mas mahabang buhay sa mga daga.

Sa sariling pag-aaral ng kompanya, ang mga daga sa laboratoryo na binig­yan ng kanilang formulation ay nabuhay ng 9.4 percent na mas matagal overall, at 64.2 percent na mas matagal mula sa unang araw ng gamutan.

Ang balitang ito ay lumabas kasabay ng tumataas na interes sa longevity o pagpapahaba ng buhay sa China.

Ayon kay Gan Yu, co-founder ng isa pang kompanya ng longevity sa Shanghai, “Dati, walang nagsasalita tungkol sa longevity sa China, mga mayayamang Westerners lang. Ngayon, maraming Chinese na ang interesado para pahabain ang kanilang buhay.”


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00