BSP: Pinutol ang bituka ng on-line playing

by Philippine Chronicle

ORA MISMOButch M. Quejada – Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

PARA sa mga sugapa sa on-line sugal, malamang ramdam ninyo ngayon ang tila pagputol ng bituka.

Sa utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas na idiskonekta ang mga e-wallet sa lahat ng on-line playing, biglang natigil ang daloy ng pera na dati’y parang gripo na bukas 24/7.

Sabi nga, isang iglap, tumigil ang bisyo. Walang abiso. Walang pasintabi.

Ito ang sampal na matagal nang hinihintay. Taun-taon, bilyun-bilyong piso ang nilalason sa ilusyon ng “baka manalo ako.”

Pero habang kayo’y tumititig sa mga kumikislap na graphics at digital na roleta, unti-unting nawawasak ang bahay ninyo, nalulustay ang ipon, at nilalamon ng utang ang kinabukasan ng mga anak ninyo.

Ang on-line playing ay hindi lang laro isa itong mabangis na karnabal ng pagkawasak.

Ngayong pinutol ng BSP ang inyong lifeline, ito ang oras para mag-isip. Kung ang unang reaksyon ninyo ay galit, tanungin ninyo ang sarili: galit ba kayo dahil pinutol ang kalayaan ninyong sirain ang buhay ninyo?

O dahil wala na kayong madaling lusutan para magtapon ng pera?

Huwag niyo nang asahan na laging could magpapautang sa inyo ng kapalaran. Ang suwerte, hindi hinihintay sa roulette—kinakayod sa totoong buhay.

At kung could natira pa kayong dangal at sentido kumon, iwanan ninyo na ang bisyong ‘yan habang could natitira pang hindi naisasangla sa pangalan ninyo.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00