Bear shelter, mabenta sa Japan dahil sa tumataas na kaso ng pag-atake ng mga oso!

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

December 2, 2025 | 12:00am

DAHIL sa naitalang record-high na bilang ng mga pag-atake ng oso sa Japan, isang kompanya ang naglunsad ng mga bear shelters na kayang protektahan ang mga tao sa loob ng ilang araw.

Ang produkto na tinatawag na “Kumacon” (Life Shield Container) ay gawa ng kompanyang Jacacon. Ito ay mga reinforced shipping containers na dinisenyo upang maging safe haven o taguan kapag may nag­wawalang oso.

Ayon sa kompanya, ang tibay ng Kumacon ay kayang-kayang labanan ang lakas ng kagat at bangga nang pinakamalaking breed ng oso sa Japan.

Ang bakal nito ay kayang tumagal ng 350 MPa pressure, na higit na mas mataas sa 7 MPa na lakas ng kagat ng isang brown bear.

Dinisenyo ito para sa hanggang tatlong araw na pananatili. Mayroon itong solar power, USB outlets, bentilasyon, at sariling palikuran. Kasama rin sa package ang pagkain at tubig, first aid kits, at bear repellent spray.

Magsisimulang tumanggap ng orders ang kompanya ngayong Disyembre para sa iba’t ibang laki ng shelter, na puwedeng ilagay sa mga bakuran, paaralan, o campgrounds.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00