4
December 28, 2025 | 12:00am
SA susunod na linggo ay bubungad na ang Bagong Taon 2026 para sa ating lahat at iba na ang maging buhay natin.
Paalam na sa 2025 na naging masalimuot para sa ating mga Pilipino.
Talagang hindi nating kinaya nang malaman natin na ganun na pala kalala at talamak ang mga nangyayari sa bansa natin.
Hindi natin kinaya ang korapsiyon at pandarambong na inakala nating hindi kailanman mangyayari sa bansa natin.
Kaya ngayong Bagong Taon naroon pa rin ang pag-asa na sana’y magbago na rin ang bansa natin.Sana sumikat ang bagong umaga at hindi na muli nating maranasan ang masakit na nakaraan sa ating kasaysayan.
