Ask Atty. Gaby: Namatay sa tuli!

by Philippine Chronicle


Sa mga nagbabalak ipatuli ang anak lalo ngayong bakasyon…Ingat po!

Humihingi ng hustisya ang isang pamilya sa Maynila matapos masawi ang sampung taong gulang nilang anak na nagpatuli sa isang lying-in clinic sa Tondo, Maynila.

Isang nagpakilalang doktor ang nag-opera sa bata.

Bago raw ang procedure, tinurukan ng anesthesia ang bata na nasa 20 cc ang dosage, ayon sa assistant ng clinic.

Pagkatapos ng operasyon, doon na raw nanginig ang bata.

Paliwanag ng nagpakilalang doktor, normal lang daw ‘yun dahil aniya, “groggy” ang bata.

Dinala ang bata sa kalapit na ospital para i-revive pero tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Pinag-iisipan pa raw ng magulang ng bata kung ipapa-autopsy pa ang labi ng bata para malaman ang tunay na dahilan ng pagkasawi.

Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?

Ask me, ask Atty. Gaby!

Atty., ano po ang sinasabi ng batas sa ganitong pangyayari at ano ang habol ng biktima?

Sa Pilipinas, ang summer o bakasyon ng mga bata ang hudyat ng panahon ng pagtutuli.

At parang napaka common na nga ng pagtutuli. Hindi na nga ito lagi ginagawa sa loob ng operating room ng isang doctor.

Kung tutuusin, ang tingin ng iba ay isang ritwal ang pagtutuli, kaya’t maraming mga kwento tungkol dito.

In fact, ang tawag sa ritwal ay “pukpok” at naliligo raw ang mga bata sa ilog before or after the procedure at pinapanguya ng dahon ng bayabas na siya namang tinatapal sa sugat pagkatapos.

But of course, kung ang mga doktor ang tatanungin, maraming risk of infection ‘pag ganito, kaya siguro, marami ring mga nanay ang nagsisiguro at dinadala ang mga anak sa mga clinic para doktor ang gagawa ng procedure.

So kailangan ding dapat tanungin, doktor ba talaga ang gumawa ng procedure?

Baka naman nagpapanggap na doktor lamang ito. Well ito ay illegal practice of medicine sa ilalim ng Republic Act 2382.

Baka naman doktor nga, pero nagkulang sa tinatawag nating “standard of care” na naaayon sa ganitong rocedure.

Ito ang tinatawag nating mga medical malpractice cases, ang pagpapabaya ng mga doktor o mga medical specialist na nagreresulta sa hindi inaasahang injury o pagkamatay ng pasyente.

Ang magiging kaso ay reckless imprudence o pagpapabaya na nagresulta sa homicide o pagkamatay ng pasyente.

Ang problema lang sa ganitong mga kaso ay ang pangangailangan ng expert opinion na nagkaroon nga ng pagpapabaya, na baka mahirapan din tayong mahanap.

May pagpapabaya ba na nangyari? Sa paggamit ng anesthesia kaya? Anesthesia nga ba ang naiturok?

Tama ba ang dosage? May dapat bang ginawang test bago nagbigay ng anesthesia?

Maraming tanong ang dapat masagot.

Sa isang banda, hindi automatic na pagpapabaya ang dahilan ng pagkamatay ng isang pasyente. Baka may underlying condition pala ang bata na hindi malalaman kahit na anong test pa ang gawin.

Alam natin na hindi normal na namamatay ang isang binata ng dahil sa pagtutuli!

So tama nga, kailangan hintayin ang resulta ng autopsy para malaman ang cause of death.

Para din malaman natin kung nagkaroon nga ng deviation mula sa standard of care required at kung nagkaroon ng pagpapabaya!

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw.

Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip.

Ask me, ask Atty. Gaby!



Source link

You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00