Ari-arian ng mag-asawa | Pilipino Star Ngayon

by Philippine Chronicle

IKAW AT ANG BATASAtty. Jose C. Sison – Pilipino Star Ngayon

November 21, 2025 | 12:00am

Hindi na dapat nagpakasal sina Erik at Dana, at nagsama lamang sila noong unang taon ng kanilang pagsasama bilang pakitang-tao at upang maiwasan ang tsismis at iskandalo, kahit na maganda ang simula ng kanilang relasyon. Ang kanilang pagsasama ay pansamantala lamang at hindi na tumagal.

Sa ikalawang taon ng kasal, naghiwalay na sina Erik at Dana. Bumalik si Erik sa kanyang magulang, samantalang nanatili si Dana sa kanilang bahay. Sa kabila ng paghihi­walay, hindi nila inayos ang estado ng kanilang ari-arian at hindi rin nagsampa ng legal separation, kaya’t ang kanilang paghihiwalay ay malabo at hindi pormal.

Habang hiwalay, bumili si Dana ng isang parselang lupa sa isang esklusibong subdibisyon sa Metro Manila. Dahil sa pagbili ng lupa, tinutulan ito ng mga tagapagmana ni Erik, na inaangkin ang kalahati bilang bahagi ng conjugal property ng mag-asawa.

Ito ay nagdulot ng hidwaan tungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Ayon kay Dana, kanya lamang ang lupa dahil wala namang ambag si Erik sa pagbili at hiwalay na sila noong binili niya ang lupa.

Naniniwala siya na personal ang ginastos niya at hindi dapat hatiin sa conjugal property. Subalit, ayon sa batas, ipinagpapalagay na lahat ng ari-arian na nakuha o binili ng mag-asawa ay conjugal property, maliban kung maipapakita na nagmula lamang ito sa sariling pera ng isa.

Dahil hindi napatunayan ni Dana na personal lamang ang ginastos niya, ipinagpapalagay ng batas na ginamit ng mag-asawa ang pera sa pagbili ng lupa. Kaya’t sa mata ng batas, posibleng kabilang ang lupa sa conjugal property nila. Ito ay base sa kasal pa rin sila at hindi importante kung nagsasama man sila o hindi na (Flores vs. Escudero, G.R. L-5302, March 11, 1953).


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00