Naku, imbes na paganun, paganern!
Sa viral video kasi na ipinost ng Division of Transportation, caught on cam ang isang sasakyan na nag-counterflow sa Skyway!
Sa kuha ng CCTV madaling araw kahapon, makikitang sinalubong ng sasakyang ‘yan ang iba pang sasakyan sa reverse lane.
Nahuli rin ang driver kalaunan at paliwanag niya — akala uncooked niya puwedeng mag-counterflow doon.
Ipinag-utos na ni DOTr Secretary Vince Dizon ang perpetual revocation o habambuhay na pagkansela ng lisensiya ng driver dahil inilagay umano nito sa peligro ang buhay ng iba pang driver sa kalsada.
Pag-usapan natin ang insidenteng ‘yan. Ask me, ask Atty. Gaby!
Atty., ano ba ang sinasabi ng batas natin tungkol dito? Ibig sabihin po ba ng perpetual revocation ng lisensya niya ay hindi na siya puwedeng magmaneho habang buhay?
Naku, unang una, isa na naman po itong kaso ng napakaseryosong paglabag sa batas trapiko dahil ang pag-counterflow o pagmamaneho sa kabilang lane, lalo na sa isang expressway ay itinuturing na reckless driving.
Pero ang pangyayaring naging viral video na, nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa kaligtasan ng publiko.
Inilagay niya sa posibleng matinding panganib ang buhay ng kapwa niya motorista kaya nakatanggap siya ng mabigat na parusa.
Ipinag-utos ni DOTr Secretary Vince Dizon na patawan siya ng parusang perpetual revocation o habambuhay na pagkansela ng lisensiya.
Ano nga ba ang ibig-sabihin nito?
Ang perpetual revocation ay ang pinakamabigat na parusa sa lisensya.
Ibig sabihin, permanenteng binawi sa kanya ang pribilehiyo niyang magmaneho.
Sa mata ng batas, dahil sa kanyang iresponsableng aksyon na maaaring magdulot ng matinding peligro, hindi na siya itinuturing na karapat-dapat na magkaroon ng lisensya.
Hindi lang ito suspension o pansamantalang pagbawi; ito ay permanenteng pagbawi sa kanyang karapatan.
Ibig sabihin, habambuhay na siyang hindi makakapagmaneho nang could lisensya.
Kung tatangkain man niyang magmaneho muli at kung siya ay mahuhuli, panibagong violation na naman ang kaniyang kahaharapin at maaaring makatanggap ng mas mabigat na parusa na posibleng umabot sa pagkakakulong.
Tandaan na ang pagkakaroon ng isang lisensiya ay isang pribiliheyo lamang at hindi isang karapatan. Maaari talagang bawiin ito kung maipapakitang hindi kayo karapat dapat!
Mas importante pa rin ang security ng ating kapwa.
Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw.
Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isi. Ask me, ask Atty. Gaby!