August 11, 2025 | 12:00am
KULANG na nga ang pondo para sa Edukasyon. Tinatapyas pa ng masisibang opisyales para sa Public Works – na puro kickback.
Halos walang natitira pang tayo ng silid-aralan at laboratoryo, pang-recruit sa mga bagong guro, pambili ng kagamitan sa pagtuturo.
Talo ang mag-aaral. Kulelat sa worldwide assessments sa Math, Sciences, Studying Comprehension.
Dahil peke, sablay ang flood controls. Binabaha ang kalye’t eskuwela.
Suspendido ang klase. Walang makeups dahil okupado ng mga nasalanta ang schoolhouses.
Talo uli ang mag-aaral. Nakatunganga sa bahay imbis nag-aaral.
Ang solusyon dapat ng gobyerno ay dagdagan ang pondo at bawasan ang nakawan. Pero balak ay ibalik ang Ok-to-12 sa sampung taon lang. At iklian ang kolehiyo sa tatlong taon imbis na apat.
Matatalo na naman ang mag-aaral. Makaaahon pa ba sila?
Ang bansang nais umunlad ay dapat gumasta sa Edukasyon ng 6 % ng GDP. ‘Yon ay P1.6 trilyon ng P26.5 trilyong GDP ng Pilipinas nu’ng 2024.
Pero P737 bilyon lang ang ipinondo sa Edukasyon ngayong 2025. Mababa pa sa 3 % ng GDP. Sa ASEAN karaniwan ang 4.2 %.
Ang P898.9 bilyon pondong Public Works ay ginawang P1.113 trilyon. Bulto ay sa pekeng flood works.
Nagbulsa ang senadores ng tig-P5 bilyon-P10 bilyong pambaha, ani Ping Lacson. Isang kongresman ay tumangay ng P15 bilyon.
Nakakuha ng P1.9 bilyon ang isang maliit na barangay sa isang maliit na bayan. Isang munting bayan, populasyon 10,000, ay naka P10 bilyon dahil umano nasa gilid ng ilog.
Tiyak binaha ang munting bayan na ‘yan nitong nakaraang bagyo, dahil tiyak din na palpak ang flood controls.