Lalaki na may sakit sa liver, idinemanda ang misis dahil ayaw nitong mag-donate ng atay

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

December 28, 2025 | 12:00am

NAUWI sa masalimuot na hiwalayan at demandahan ang pagsasama ng isang mag-asawa sa South Korea matapos kasuhan ng mister ang kanyang misis ng “malicious abandonment” dahil sa pagtanggi nitong mag-donate ng bahagi ng kanyang atay upang iligtas ang buhay ng lalaki.

Ang mister, na nasa edad 30s, ay na-diagnose ng primary biliary cirrhosis at binigyan na lamang ng isang taon para mabuhay kung hindi sasailalim sa transplant.

Laking tuwa ng pamilya nang madiskubreng 95 percent match ang kanyang asawa, ngunit agad itong napalitan ng galit nang tumanggi ang babae dahil may “pathological fear” daw siya sa karayom at matutulis na bagay.

Masuwerteng nakahanap ng brain-dead donor ang lalaki at matagumpay na nakaligtas, ngunit pagkatapos ng kanyang operasyon, inimbestigahan niya ang palusot ng asawa at nadiskubreng nagsinungaling ito tungkol sa kanyang phobia dahil nakapagpaopera na ito noon ng appendicitis nang walang isyu.

Nang komprontahin, umamin ang misis na ang tunay na dahilan ng pag-ayaw niya ay ang takot na magkaroon ng kumplikasyon sa operasyon at tuluyang maulila sa ina ang kanilang dalawang maliliit na anak.

Sa kabila ng paliwanag, itinuloy ng lalaki ang kaso, ngunit pumanig ang korte sa babae. Iginiit ng judge na ang organ donation ay usapin ng “bodily autonomy” at personal na desisyon, kaya hindi ito maaaring ituring na obligasyon kahit pa sa pagitan ng mag-asawa.

Sa huli, nagkasundo ang dalawa na mag-divorce. Nakuha ng babae ang custody ng mga bata, ngunit pumayag siyang magbigay ng pinansiyal na suporta para sa patuloy na pagpapagaling ng kanyang ex-husband.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00