Babae sa China, nagkaroon ng sakit sa lapay matapos ang kainin lang ay nilagang manok at cauliflower sa loob ng 6 na buwan!

by Philippine Chronicle

MGA KUWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

December 19, 2025 | 12:00am

Isang babala sa mga nagdidiyeta ang sinapit ng isang 25-anyos na female influencer sa China matapos itong maospital at muntik nang mamatay dahil sa kanyang extreme diet.

Na-diagnose ang babae ng acute pancreatitis matapos ang anim na buwan na pagkain lamang ng boiled chicken breast at cauliflower.

Dahil sa kanyang dedikasyon sa pagpapapayat, tinagurian ang hindi pinangalanang fitness influencer ng kanyang mga followers bilang “self-discipline goddess.”

Sa loob ng kalahating taon, wala siyang ibang kinain kundi nilagang manok at cauliflower. Wala itong mantika, asin, o anumang flavoring.

Bagama’t nakuha niya ang gustong timbang, naka­ranas siya nang matinding side effects tulad ng pang­hihina, madaling mapagod, at panunuyot ng balat.

Binalewala niya ang mga ito hanggang sa maka­ramdam siya nang matinding abdominal cramps na naging dahilan ng kanyang pagkaospital.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na ang kanyang serum amylase level ay 10 beses na mas mataas sa normal. Ang amylase ay isang enzyme na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain.

Dahil sa sobrang restrictive at low-fat ng kanyang diyeta, naipon ang mga enzyme secretions sa kanyang pancreas at sa halip na pagkain ang tunawin, sinimulan nitong “tunawin” o i-digest ang sarili nitong organ.

Ito ang nagdulot nang matinding pamamaga o acute pancreatitis.

Paalala ng mga doktor, ayon sa mga eksperto, bagama’t healthy ang manok at gulay, hindi sapat ang mga ito para ibigay ang lahat ng nutrisyon na kailangan ng katawan.

Ang sob­rang pag-iwas sa fats ay nakasassama sa normal na secretion ng digestive enzymes. Payo nila: magbawas ng calories, pero siguraduhing balanse pa rin ang kinakain.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00