Mga dahilan ng sakit ng ulo

by Philippine Chronicle

DOC WILLIEDr. Willie T. Ong – Pilipino Star Ngayon

December 21, 2025 | 12:00am

1. Stress, depresyon, kaba, tension, lungkot, pag-aalala at galit.

2. Sumasakit din ang ulo kung nakakuba o poor posture, hindi aligned ang gulugod o spine, matigas ang mga masel sa balikat at arthritis. Kung may rayuma sa buto ng leeg at pagtigas ng panga o TMJ ay sasakit din ang ulo.

3. Sa migraine headache, ang mga pagkain na may tyramine ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo tulad ng cocoa, tsokolate, keso, soy products, toyo, alak, msg o vetsin, caffeine, preserved na karne na may nitrites gaya ng hotdogs, bacon, pepperoni.

4. Ang iba pang dahilan ng sakit ng ulo ay low blood sugar, pagdi-diyeta, pagpuyat o kulang sa tulog, sobrang pagta-trabaho o sobrang ehersisyo.

5. Nakakasakit ng ulo ang pag-iiba ng klima o weather na kung minsan ay sobrang init o sobra naman lamig.

6. May mga gamot na kadalasan mayroong side effect kasama ang pagsakit ng ulo.

7. Kung bago o habang may regla at menopause.

8. Ang high blood pressure ay nakakasakit din ng ulo.

9. Lagnat o kaya naman nauntog.

10. May mga taong may irritants sa ilong tulad ng paba­ngo, thinner, pintura, at rugby.

Isulat ang mga sumusunod para matulungan ang doktor na malaman ang sanhi ng sakit ng ulo:

1. Magtala ng araw at oras ng sakit ng ulo; lokasyon, at kung gaano ito katagal.

2. I-rate ang sakit from 1-10.

3. Ang dahilan na nakapagpa-trigger at pagkain na kinain.

4. Kung may kasamang sintomas.

5. Kung nasa lahi ng pamilya.

6. Mga gawain o stress level.

7. Menstrual cycle.

8. Gamot na iniinom.

9. Klima.

10. Trabaho o mga ginagawa.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00