Pasko | Pilipino Star Ngayon

by Philippine Chronicle

DURIAN SHAKEEdith R. Regalado – Pilipino Star Ngayon

November 23, 2025 | 12:00am

MALAPIT na ang Pasko at tila walang kasiguruhan na makakauwi si dating President Rodrigo Duterte sa kanyang pinakamamahal na Davao City.

Ewan pero baka may mga plano ang pamilya Duterte na samahan ang kanilang patriarch sa International Criminal Court (ICC) kung saan siya ay kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands.

Tiyak na malungkot din ang simoy ng hangin ngayong Pasko para sa dating Presidente dahil mag-isa niyang ipag­diwang ito lalo na’t nakasanayan na rin niyang kasama ang pamilya sa mahalagang araw na iyon.

Tiyak na hindi siya makadadalo sa taunang “Paha­lipay sa Pasko” na ilang dekada na ring handog ng mga Duterte sa mga Dabawenyo. Ginaganap ito sa dating bahay nila sa Royal Homes sa Barangay Bangkal. Pero kahit wala sila tiyak naman ang pamimigay ng pamasko para sa daan-daang residenteng pumipila kahit maaga pa.

Ngunit patuloy pa rin ang firecrackers at pyrotechnics ban tuwing Pasko at New Year. Nakaugalian na ang pag­babawal ng mga ito at nakakatulong naman dahil parati naman zero-incidence at walang natatamaan o nasusugatan sa pagsalubong ng Pasko at New Year.

Tiyak na ang panalangin ng mga residente rito sa Davao City ngayon Pasko ay sana makauwi na si dating President Duterte.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00