Mahigit 1,000 upuan sa mga restaurant sa Spain, ninakaw!

by Philippine Chronicle

MGA KUWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

November 21, 2025 | 12:00am

Usung-uso ang nakawan sa mga restaurant sa Spain. Pero hindi pera ang ninanakaw kundi mga upuan!

Agad na kumilos ang Spanish National Police at binuwag ang sindikato na eksperto sa pagnanakaw ng mga upuan sa mga restaurant at bar.

Anim na lalaki at isang babae ang naaresto ng mga pulis na responsable sa pagnanakaw ng 1,100 na upuan sa mga outdoor terraces sa Madrid at sa kalapit na lungsod ng Talavera de la Reina.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang sunud-sunod na nakawan sa mga restawran noong Agosto at nagpatuloy hanggang Setyembre.

Ang modus ng grupo ay sumalakay sa gabi kung kailan sarado ang mga restaurant. Target nila ang mga upuan na karaniwang iniiwan sa labas. Kahit nakakadena ang mga upuan ay ninanakaw pa rin ang mga ito sa pamamagitan ng paglagari.

Tinatayang 60,000 euros (mahigit 4 million pesos) ang halaga ng mga ninakaw na upuan.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga ninakaw na upuan ay hindi lang ibinebenta sa loob ng Spain. Ang iba rito ay ipinadadala at ibinebenta sa Morocco at Romania.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong pagnanakaw at pagsapi sa isang criminal organization.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00