New Building Act ni Momo

by Philippine Chronicle

BANAT NI BATUIGASBening Batuigas – Pilipino Star Ngayon

November 1, 2025 | 12:00am

SABI ni Rep. Romeo Momo, may solusyon ang pagbabaha sa Metro Manila. Ayon kay Momo, may master plan na silang nagawa sa DPWH noong siya pa ang Usec for national operations. Sa kasamaang palad, hindi itinuloy ng sumunod na administrasyon ang master plan.

Isinusulong ni Momo ang House Bill 1481 (New Building Act). Kung maisasabatas, papalit ito sa lumang Philippine Building Code. Ang New Building Act ni Momo ay mag-oobliga sa mga contractor na paaaprubahan muna sa mga engineering office ng siyudad o bayan ang mga design, construction plans, materyales, maintenance plans at iba pang kailangan sa konstruksiyon ng mga gusali, tulay, kalsada, bago ito masimulan.

Sabi ni Momo na sa ganitong paraan, matitiyak ang tibay at integridad ng gagawing proyekto at may accountability o may mananagot kapag pumalpak ang proyekto. Sabi ni Momo, “Iba na ang panahon. Mas malalakas na ang mga bagyo at lindol. Ang mga engineering standard of safety requirements limampung taon na nakalipas ay hindi na naaayon sa lakas at dami ng mga bagyo at lindol ngayon.”

Lumalapit sa media si Momo para magkaroon ng mataas na kamalayan ang publiko sa mga solusyong kanyang isinusulong. Sa ganitong paraan, mas mapag-uusapan ang mga solusyong ito at mas matutuunan ng pansin sa senado. Umaasa si Momo na maisasabatas ang kanyang New Building Act, at ang implementasyon ng flood control masterplan na ginawa nila noon.

Kailangan na kailangan ng mga kababayan na maka­rinig o makabasa ng magandang balita, mga solusyon sa mga suliranin natin at hindi na lang problema, anomalya at fake news. Ang mga solusyon ni Momo para sa imprastraktura at baha ay kalugud-lugod.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00