October 31, 2025 | 12:00am
1. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang immune system.
2. Uminom ng walo hanggang 10 basong tubig. Pinalalabnaw ng tubig ang plema.
3. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo sa lungs.
4. Itigil ang paninigarilyo.
5. Uminom ng tsaa na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C.
6. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay—allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matatapang na pabango, at pollen.
7. Gamot para sa ubong may plema: Puwedeng uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at lagundi para lumabnaw ang plema. Ngunit huwag ganoong umasa sa mga ito. Tubig pa rin ang mas mabisa.
8. Gamot para sa tuyong ubo: uminom ng butamirate citrate o dextromethorphan syrup. Kung allergy naman ang dahilan ng ubo, puwede and Diphenhydramine.
9. Kung may sipon, suminga nang madalas para hindi tumulo ang sipon sa lalamunan na puwedeng magdulot ng pag-ubo.
10. Umiwas sa mausok na lugar. Puwedeng sumakay sa mga air-con na bus at jeep. Huwag din gaanong maglakad sa lansangan. Umiwas sa mga taong naninigarilyo.
11. Lumanghap ng mainit at basang (moist) hangin. Pinapaluwag nito ang plema sa ating baga. Puwede ka ring manatili sa banyo kung saan dumadaloy ang mainit na shower o gripo. Ang usok nito ay nagpapalabnaw ng plema. Isa pang paraan ay ang paglanghap ng mainit na usok ng tubig sa ibabaw ng palanggana o kaldero.
12. Tingnan kung may iniinom kang gamot tulad ng Ace-inhibitor para sa altapresyon dahil puwede itong magdulot ng ubo. Ang Ace-inhibitor ay mga gamot na nagtatapos sa salitang “-pril,” tulad ng imidapril, enalapril, at iba pa. Itanong sa iyong doktor.
13. Gumamit ng dalawang unan. Kung may allergy o sipon, makatutulong ang paghiga na medyo mataas ang ulo.
14. Gamutin ang pangangasim na sikmura. Puwedeng magdulot ng pag-ubo ang asido na galing sa sikmura.
15. Magpabakuna laban sa flu at pulmonya kung lampas sa edad 60.

 
											