100 magnets, tinanggal sa bituka ng teenager sa New Zealand!

by Philippine Chronicle

MGA KWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

October 29, 2025 | 12:00am

SUMAILALIM sa isang kumplikadong operasyon ang isang 13-anyos na binatilyo sa New Zealand matapos lumunok ng 100 piraso ng magnets.

Ayon sa ulat ng mga doktor na inilathala sa New Zealand Medical Journal, ang mga magnet ay binili umano ng teenager mula sa sikat na online shopping platform mula China.

Dinala ang hindi pinangalanang teenager sa Tauranga hospital matapos makaranas ng apat na araw na matinding pananakit ng tiyan.

Doon, inamin niya na lumunok siya ng maliliit na neodymium magnets.

Ang mga nasabing magnet ay mahigpit na ipinag­babawal sa New Zealand mula pa noong January 2013.

Sa X-ray, nakita ng mga doktor na ang mga mag­net ay nagdikit-dikit sa loob ng tiyan ng teenager at bumuo ng apat na tuwid na linya. Dahil sa lakas ng puwersa ng mga magnet, nagdikit-dikit din ang magkakahiwalay na bahagi ng kanyang bituka.

Ayon sa mga doktor, ang pressure na idinulot nito ay nagresulta sa necrosis (pagkamatay ng tissue) sa apat na bahagi ng kanyang small intestines at caecum (bahagi ng large intestine o malaking bituka).

Agad na inoperahan ng mga surgeon ang teen­ager upang tanggalin ang mga patay na tissue at kunin ang lahat ng magnet. Matagumpay ang ope­rasyon at nakauwi ang teenager matapos ang walong araw na pananatili sa ospital.

Nagbabala ang mga doktor na ang insidente ay nagpapakita hindi lang ng panganib sa paglunok ng magnet, kundi pati na rin ng “panganib ng online marketplace sa mga kabataan.”

Sa isang pahayag, humingi ng paumanhin ang hindi pinangalanang Chinese online shopping app sa nangyari. Naglunsad na umano sila ng imbestigasyon upang alamin kung sa kanila nga binili ang produkto at upang siguruhin na sumusunod sila sa safety requirements ng New Zealand.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00