11
KAHAPON, dumagsa na ang mga pasahero sa bus terminal sa Cubao at sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Ngayong araw at hanggang Nobyembre 1, inaasahang darami pa ang mga pasahero. Nakapagtala kahapon ng 188,624 pasahero sa PITX. Ayon sa PITX, aabot ng 2.1 milyon ang daragsang pasahero.
