October 28, 2025 | 12:00am
Arkong bato urban garden
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang luntiang urban garden na Gulayan sa Barangay na ang pinangangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Ang aking tinutukoy ay ang Brgy. Arkong Bato Urban Garden na makikita sa Pasig City.
Ayon kay Renaldo S. Pedraverde, CENRO/Clean and Green Supervisor, noong nakaraang 2024 lamang siya nagsimulang magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa kanilang garden na ang sukat ay nasa 900 square meters.
Aniya, layunin nila na makabawas sa gastusin sa pang-araw-araw na pagkain kaya sila ay nagtanim.
“Mula po noong magtanim kami ay malaki na ang natitipid namin at healthy na ang aming kinakain,” ani Renaldo.
Sinabi pa ni Renaldo na marami ring pagsubok o problema ang kanilang naranasan sa pagtatanim noong nagsisimula pa lamang silang magtanim pero hindi sila sumuko.
“Kapag tag-init po ay hindi gaano malusog ang mga gulay dahil sobra ang init at kapag tag-ulan naman ay kinakain ng mga insekto at fungus ang mga gulay,” aniya.
“Tanim kami uli kapag namatayan ng halaman, try and try until na ma-perfect namin. Bumili rin po kami ng pampatay ng insekto at fungi,” pahayag pa ni Renaldo.
Pinag-aralan din ni Renaldo ang pagtatanim ayon sa season ng gulay, na kapag tag-init ay iyong heat tolerant na gulay ang itinatanim at kapag tag-ulan naman ay iyong matatag sa tubig.
Halos ang mga gulay na nabanggit sa kantang bahay kubo ay naitanim na ni Renaldo.
Bagamat bago pa lamang sila sa pagtatanim ay nag-2nd place na sila sa latest search na Gulayan sa Barangay ng Pasig dahil sa kanilang organisado at tuloy-tuloy na pag-tatanim ng gulay at prutas sa kanilang garden.
“The urban garden of barangay Arkong Bato has been awarded as 2nd runner up for sustainability and innovation,” aniya.
Natural at organic ang mode of farming ang ginagawa sa Arkong Bato Urban Garden. Mayroon silang conventional at aquaponics.
“May alaga rin kaming isdang tilapia na kapag nagpapalit kami ng tubig ay pinandidilig namin sa aming mga halaman dahil iyon ay nagtataglay ng micro at macro nutrients na kailangan ng mga halaman,” sabi pa ni Renaldo.
Ilan sa harvest na gulay sa Arkong Bato Urban Garden ay ginagamit sa feeding pro-gram ng barangay, pangkain at ang iba ay binibente para may pambili ulit ng seeds.
May mga guro, estudyante at mga matatanda ang bumibisita sa Arkong Bato Urban Garden para magpaturo rin sa pagtatanim.
Namimigay rin ng binhi at punla ang grupo ni Renaldo sa mga residente ng Brgy. Ar-kong Bato na interesado na magtanim ng kanilang sariling pagkain.
Malugod nagpapasalamat si Renaldo kay Pasig City Ma-yor Vico Sotto at mga opisyal ng CENRO dahil full support sila sa kanilang proyekto.
Hinihikayat ni Renaldo ang lahat na magtanim na rin ng kanilang sariling pagkain sa kanilang bakuran.
Ngayong Linggo, November 2, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Renaldo sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
