Bungee jumping site sa china na walang tali, ipinatigil ang pagbubukas matapos umani ng kontrobersya!

by Philippine Chronicle

MGA KUWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

October 28, 2025 | 12:00am

SINUSPINDE muna ang nakatakdang pagbubukas ng isang “ropeless” o walang tali na bungee jumping attraction sa Huajiang Grand Canyon Bridge na kilala na pinakamataas na road bridge sa buong mundo.

Ang desisyon ay ginawa matapos mag-viral sa social media ang mga video ng kanilang safety tests, na nagdulot nang matinding takot at pagkabahala mula sa publiko.

Sa halip na gumamit ng nakasanayang safety rope, ang mga lalahok sa atraksiyon ay tatalon mula sa isang platform patungo sa isang malaki at makulay na safety net. Ito ang sasalo sa kanila upang hindi mahulog sa Beipan River, na nasa 2,051 talampakan ang lalim.

Ang “ropeless bungee jumping” ay may mga pagpipiliang taas ng jumping point, mula 65 hanggang 164 talampakan. Ang presyo nito ay 1,600 yuan (katumbas ng 13,000 pesos), mas mura kumpara sa 3,000 yuan (24,700 pesos) para sa tradisyonal na bungee jump.

Nagsimula ang kontrobersiya nang kumalat ang video ng safety testing kung saan hinulugan ang 160-square-meter na net ng mga sandbag na tumitimbang ng 100 at 200 pounds.

Bagama’t kinaya ng net ang bigat ng sandbags nag-iwan ito nang maraming tanong sa mga netizen. Ilan sa mga komento ay ang pag-aalala kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi nasalo ang isang tao ng net, o kung bigla itong mabutas dahil sa bigat.

Bilang tugon, ipinaliwanag ng kompanyang nagpapatakbo ng atraksiyon na ang net ay idinisenyo upang ma-absorb ang impact at automatic na bababa ito sa isang bottom platform para sa ligtas na paglabas ng tumalon.

Gayunman, hindi ito sapat para pakalmahin ang publiko. Ayon sa Chinese news media, ang inagurasyon ng atraksiyon, na nakatakda sanang buksan ngayong October, ay opisyal nang kinansela.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00