September 5, 2025 | 12:00am
Matindi ang batikos ng mga eksperto sa batas. Tinuligsa nila ang pasya ng Korte Suprema nu’ng July 25. Ginawang imposible kasi ng Korte na mag-impeach ng matataas na opisyales.
Tatlumpu’t isang opisyales lang ang maari ma-impeach: Presidente, VP, 15 mahistrado ng Korte Suprema, Ombudsman, pitong Comelec commissioners, tatlong Audit commissioners, at tatlong Civil Service commissioners.
Maari silang ma-impeach sa habla ninumang mamamayan o sa pirma ng katlo ng 317 Kongresista. Kapag napatunayang nagkasala sa paglilitis ng Senado, sibak ang opisyal at bawal nang maupo muli sa gobyerno.

Mula sa Supreme Courtroom web site
Pero nagpataw ang Korte ng pitong bagong alituntunin sa pag impeach. Labag ito sa Konstitusyon, anang Camara de Representantes. Battle of curiosity daw ang pagpataw ng pitong alituntunin dahil impeachabale rin ang mga mahistrado na nagpataw nito: Detalyadong ebidensiya sa habla pa lang;
• Bigyan ang opisyal ng pagkakataong tumuligsa;
• Ipakita sa opisyal ang ebidensiya;
• Aralin ng 317 Kongresista ang habla at ebidensiya bago botohan;
• Sumumpa lahat na naintindihan ang habla at ebidensiya;
• Talakayin nang husto ng plenaryo;
• Dapat dumalo ang opisyal sa lahat ng ito.
Eh paano kung ayaw dumalo ng opisyal – tulad ng pagtalikod ni VP Sara Duterte sa lahat ng imbitasyon ng Camara?
Paano kung maski isang Kongresista lang ay ayaw sumumpa na naintindihan ang usapin?
Paano kung ang nilantad na testigo ay patayin, kidnapin, takutin, o suholan para tumahimik bago pa malitis sa Senado?
Pinatay ng pitong alituntunin ang prinsipyo ng Pananagutan. Sana burahin ng Korte ang mga ito.