19-anyos na estudyante sa China, naparalisa dahil sa palagiang pagyuko sa paggamit ng cellular phone!

by Philippine Chronicle

MGA KUWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

September 4, 2025 | 12:00am

Isang 19-anyos na estudyante sa China ang nagising isang araw na paralisado mula dibdib pababa, isang kondisyon na idinulot ng madalas na paggamit ng cellular phone!

Ang binatilyo na kinilalang si Xiao Dong, isang estudyante sa Quanzhou, China, ay isinugod sa emergency room matapos biglang mawalan ng pakiramdam at kakayahang igalaw ang kanyang mga binti noong nakaraang July 30.

Bago ang insidente, nakararanas na siya ng pamamanhid sa kanyang leeg, braso, at binti.

Ayon sa mga doktor, ang sanhi ng kanyang pagkapara­lisa ay isang malaking blood clot sa kanyang cervical backbone na umipit sa kanyang spinal twine. Ang pamumuo ng dugo ay resulta ng palagiang pagyuko ng kanyang ulo sa loob ng mahabang panahon.

Naging mas malala ito dahil sa kanyang summer time job bilang tagahugas ng plato at sa kanyang libangan na paglalaro ng cellular video games at paggamit ng social media sa kanyang cellular phone.

“Ang palagiang pagyuko ng ulo sa loob nang mahabang panahon ay nagdulot ng pagkasira ng isang ugat sa kanyang spinal canal, na bumuo ng hematoma (blood clot) at nagdulot ng biglaang pagkaparalisa,” ayon sa mga doktor.

Agad na isinailalim si Xiao Dong sa isang emergency surgical procedure upang alisin ang blood clot at maiwasan ang permanenteng pagkaparalisa. Sa kasalukuyan, unti-unti nang bumabalik ang kontrol niya sa kanyang mga binti at inaasahang gagaling nang tuluyan.

Nagbabala ang mga medical skilled na ang palagiang pagyuko ng ulo ay maaaring magdulot ng problema sa sirkulasyon ng dugo, na nagreresulta sa pamamanhid, pagkahilo, at matagalang pagkapagod.

Sa mga malulubhang kaso, maaari itong humantong sa stroke o pagkaparalisa. Ang kaso ni Xiao Dong ay isang matinding paalala sa panganib na dulot ng isang gawain na tila easy at hindi nakapipinsala.


You may also like

Leave a Comment