August 30, 2025 | 12:00am
NASIMULAN na ni Division of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan ang pagsibak sa mga tiwaling opisyal ng kanyang tanggapan. Tinanggal niya ang district engineer ng Batangas na si Abelardo Calalo. Tinangka ni Calalo na suhulan ng P3 milyon si Batangas Rep. Leandro Leviste. Might sinibak din siyang mga district engineers sa Bulacan at Oriental Mindoro.
Sinabi ni Sec Bonoan, na isa lamang ito sa mga naumpisahan ng mga hakbanging pang “inner cleaning” sa DPWH na kanyang tututukan. Kasunod nito, gumugulong na ang mga imbestigasyon sa lahat ng district engineer sa buong bansa.
Sabi pa ni Bonoan, maasahan daw na marami pang mangyayaring sibakan sa DPWH patungo sa isang “corrupt free and extra environment friendly supply of public works providers” para sa taumbayan.
Titingnan daw ni Bonoan ang partipasyon ng mga miyembro ng “validation committee” ng bawat rehiyon na maaring kasabwat sa mga anomalya ng bawat rehiyon.
Ayon pa sa DPWH secretary, hindi naman dapat mabayaran ang contractor kung walang certification ng nasabing committee na ang proyekto ay “accomplished” na. Sinisilip na umano ng kanyang tanggapan ang ang mga kuwestiyunableng proyekto na naumpisahan bago pa mag-2022 o sa panahon ni courting Presidente Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa ICC detention sa The Hague. Nahaharap si Duterte sa kasong crime in opposition to humanity. Dinala siya sa The Hague noong Marso 11, 2025. Nakatakda ang listening to ni Duterte sa Setyembre 26, 2025.
Balik tayo sa DPWH na ngayon ay batbat ng mga kontrobersiya at korapsiyon. Ang masamang imahe ng DPWH ay nag-reflect sa pagkatao ni Secretary Bonoan. Malaki ang aking paniwala na minaniobra ng mga tiwaling DPWH officers ang tanggapan ni Bonoan. Yan ang aking sapantaha. Dahil sa mga corrupt na DPWH officers, nagkapalpak-palpak ang mga proyekto. Daming “ghost” initiatives lalo na sa Bulacan at Oriental Mindoro.
Sa pagkaalam ko, mabuti namang tao si Bonoan. Magaling siyang engineer na nagtapos sa kilalang unibersidad. Deka-dekada na ang ipinaglingkod niya sa DPWH. Nalaman ko na hindi nadawit ang kanyang pangalan sa
Ang problema ay ang sistema ng korapsiyon sa tanggapan. Nag-umpisa ang korapsiyon nang makialam ang mga pulitiko at naglagay ng kanilang tao sa DPWH. Dahil sa sistemang ito, nawalan ng kapangyarihan ang DPWH secretary. Mas nangibabaw ang padrino system.
Kaya ang dapat gawin ni PBBM, ipagbawal ang mga kaalyado sa pulitika sa DPWH at iba pang tanggapan. Ipagbawal ang mga kamag-anak at mga kaibigan.
Nalaman ko, maraming naipasok na mga tao ang pulitiko sa DPWH at ang mga ito ang pinagmumulan ng kabulukan. Ang mga gumagawa ng katiwalian sa DPWH ay mga ipinasok at rekomendado ng mga pulitiko.
Sana hindi ningas-kogon ang ginagawang paglilinis ni Bonoan sa DPWH.