Aso na could tattoo, nagdulot ng kontrobersiya sa isang pet present sa China!

by Philippine Chronicle

MGA KUWENTONG WEIRDRonniel Niko B. Halos – Pilipino Star Ngayon

August 29, 2025 | 12:00am

Nag-viral sa social media at umani ng batikos mula sa mga animal lover ang mga larawan ng isang hairless canine na could tattoo sa buong likod.

Ang aso ay naging isa sa mga pangunahing atraksiyon sa ginanap na twenty seventh Asian Pet Present sa Shanghai, China.

Ayon sa mga ulat, ipinagmalaki pa ng may-ari ang kanyang aso, isang Mexican hairless canine at ang Yakuza-style na tattoo nito. Sinabi pa umano niya na hindi kailangan ng anesthesia para sa aso dahil mataas ang tolerance nito sa sakit.

Ang tattoo ay isang makulay na dragon na sumasakop sa buong likod ng aso at umaabot hanggang sa mga hita nito.

Ang insidente ay ikinagalit nang maraming animal lover, na nanawagan ng apology mula sa may-ari at paliwanag mula sa mga organizer ng pet present.

Ayon sa mga eksperto, walang “painless and protected” na tattoo para kanino. Mas manipis ang balat ng mga aso kaysa sa mga tao at mas siksik ang kanilang mga nerve, kaya mas masakit ito para sa kanila.

Lalo pang uminit ang ­kontrobersiya nang lumabas ang mga ulat na nag-aalok umano ang may-ari ng serbisyo ng pag-tattoo sa ibang mga alagang hayop sa halagang 2,000 hanggang 3,000 yuan (humigit-kumulang P16,000 hanggang P24,000).

Ang insidente ay nagbukas ng isang seryosong diskusyon tungkol sa animal welfare at kung hanggang saan dapat ang limitasyon ng pagtrato sa mga alagang hayop bilang palamuti o atraksiyon.


You may also like

Leave a Comment

Are you sure want to unlock this post?
Unlock left : 0
Are you sure want to cancel subscription?
-
00:00
00:00
Update Required Flash plugin
-
00:00
00:00