Tatlong isyung hahadlang sa paglilitis ni VP Sara

NGAYONG June 2 magpupulong ang Senado bilang korte sa impeachment ni VP Sara Duterte. Una sa agenda ang pagrepaso at pag-apruba ng alituntunin ng paglilitis.

Tiyak uusisain ng kampo ni Sara ang mabigat na isyu: might bisa pa ba ang kasong impeachment na pinirmahan ng 215 kongresista at isinumite sa senado nu’ng Feb. 5?

Ito ang mga ihihirit ng mga maka-Sara:

– Hindi lahat ng 215 na pumirma midday ay kongresista pa rin ngayon. Maaring termed out na o natalo sa halalan nu’ng Might 12. Kaya butas-butas na ang pag-endorso ng Kamara de Representantes sa kasong impeachment. Kaila­ngang ulitin ang proseso.

– Magga-“graduate” na ang kalahati ng Senado sa June 30. Wala na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Nancy Binay, Koko Pimentel. At natalo sa reeleksyon sina Bong Revilla at Francis Tolentino.

Maski nahalal muli sina Bong Go, Bato Dela Rosa, Imee Marcos, Pia Cayetano, at Lito Lapid, kuwenta bagong termino nila sa June 30. Dagdag sa kanila ang mga balik sena­dong Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Tito Sotto, Ping Lacson. Bagong salta sina Rodante Marcoleta, Camille Villar, at Erwin Tulfo.

Dagdag hirit ito para kay VP Sara.

– Nag-adjourn “sine die” ang ika-19 Kongreso para sa Halalan 2025. Ibig sabihin ng sine die ay walang takdang petsa ng muling sesyon. Ang malinaw lang sa Konstitusyon ay ang pagbubukas ng susunod na ika-20 Kongreso sa ika­apat na Lunes ng July para sa SONA ng Presidente.

Pero Kongreso ang magpapasya kung itutuloy o hindi ang paglilitis. Iiwas ang Korte Suprema sa isyung pulitikal ng kasing-makapangyarihang Kongreso. Hihiyaw si Sara ng “pang-aapi”.


Related posts

EDITORYAL – Linisin ni Torre dungis ng PNP

Avenue dwellers napakarami | Pilipino Star Ngayon

Teknolohiya para maging abot-kamay ang world schooling sa mga Pinoy