Sundalong Pinay, Mayor na sa Amerika

PINOY OVERSEASRamon M. Bernardo – Pilipino Star Ngayon

September 7, 2025 | 12:00am

Noong Hunyo 2025, isang makasaysayang tagpo ang naganap sa San Antonio, Texas. Sa lungsod na might halos isang milyon at kalahating residente, nahalal bilang alkalde si Gina Maria Ortiz Jones, 44 anyos. Sa mga pahayagan sa Amerika, siya’y inilarawan bilang unang Filipina American, unang lantad na lesbiyana, unang fight veteran, at unang babaeng hindi puti na namuno sa San Antonio. Siya ang ika-47 mayor ng lungsod at pangatlong babae na umupo sa puwesto, kasunod nina Lila Cockrell at Ivy Taylor. Para sa marami, ang kanyang tagumpay ay isang malaking hakbang para sa Filipino Individuals, kababaihan, LGBTQ+ neighborhood at mga beterano ng digmaan.

Ipinanganak si Gina noong Pebrero 1, 1981 sa Arlington, Virginia, ngunit lumaki sa San Antonio. Sila ng kapatid niyang babae ay solong itinaguyod ng kanilang ina na si Victorina Medenilla Ortiz, isang Ilokana mula Pangasinan. Sa mga panayam, madalas idiin ni Gina ang sipag at tiyaga ng kanyang ina. “Marami sa ating komunidad ang pinalaki ng nag-iisang magulang,” wika niya sa El Paso Instances. Walang ibang detalye hinggil sa kanyang ama maliban sa isa itong Vietnam veteran na hindi naging bahagi ng buhay niya.

Ang kanyang kuwento’y hindi naiiba: lumaking umaasa ang pamilya sa tulong ng gobyerno, gaya ng sponsored housing at murang pagkain sa paaralan. “Bahagi iyon ng karanasan namin,” ani Gina sa Folks.com. “Doon ko nakita na pantay ang talento ng tao, pero hindi pantay ang oportunidad.”

Mataas ang pinag-aralan ng kanyang ina — nagtapos ito sa College of the Philippines- Diliman at nagturo ng science bago lumipat sa Amerika noong 1978 bilang home helper. Ngunit sa pagdating, kinailangan niyang magsimula sa mabababang trabaho at mahabang oras upang matustusan ang pamilya. Ang tiyuhin naman ni Gina, si Perfecto Ortiz, ay naglingkod sa U.S. Navy at nagsilbing inspirasyon sa kanyang pamumuhay na nakatuon sa serbisyo. Kinalaunan ay nakapagturo si Victorina sa public highschool sa Amerika nang makakuha siya ng educating certificates. 

Hindi naging madali ang kabataan ni Gina. Sa center college, nakaranas siya ng mga paglabag sa patakaran ng paaralan at sumailalim sa probation. Ngunit doon niya natutunan ang disiplina at pananagutan. Habang pinapasan ng kanyang ina ang mabibigat na trabaho, nakita niya ang halaga ng sakri-pisyo at pagpupunyagi. 

Sa hayskul, sumali siya sa Junior Reserve Officers’ Coaching Corps (JROTC), na nagbigay-daan sa kanya upang makakuha ng scholarship sa Air Power ROTC. Nagtapos siya ng East Asian Research at Economics sa Boston College, at nagpatuloy sa graduate research sa College of Kansas at sa U.S. Military’s College of Superior Army Research.

Matapos ang kolehiyo, sumali si Gina sa U.S. Air Power bilang intelligence officer at naitalaga sa Iraq. Sumuporta siya sa mga operasyon ng shut air assist at umabot sa ranggong kapitan bago bumalik sa Texas noong 2006. Doon, inalagaan niya ang inang might colon most cancers habang nagtrabaho sa consulting. Kalaunan, naglingkod siya sa U.S. Africa Command sa Germany at sa Protection Intelligence Company sa Washington, D.C. Ang kanyang bunsong kapatid ay isa ring intelligence officer sa U.S. Navy — patunay ng tradisyon ng serbisyo militar sa pamilya.

Noong 2021, itinalaga siya ni Pangulong Joe Biden bilang Underneath Secretary ng U.S. Air Power — unang babae na hindi puti at lantad na lesbiyana sa puwestong iyon. Pinamunuan niya ang mga programa para sa mas maayos na serbisyo sa mga biktima ng home abuse at mga reporma para sa mas pantay na pagkakataon ng kababaihan sa militar.

Bago maging alkalde, dalawang beses siyang tumakbo sa Kongreso noong 2018 at 2020 ngunit nabigo. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Sa 2025 mayoral race, lumaban siya laban sa 27 kandidato. Umabot siya sa runoff at tinalo si Rolando Pablos: 54.3% ng boto laban sa 45.7%. Sa kanyang kampanya, ipinangako niya ang pagpapalawak ng early-childhood schooling, mas maraming abot-kayang pabahay, at suporta para sa mga manggagawang walang kasanayan. Isa rin sa kanyang layunin ang bawasan ang kahirapan sa San Antonio, kung saan halos isa sa limang residente ay nasa ilalim ng poverty line.

Bukod sa pagiging alkalde, bukas si Gina tungkol sa kanyang pagkatao. Siya ay isang lesbiyana at might accomplice na si Ana Isabel Martinez Chamorro. Naranasan niya ang relationship “Don’t Ask, Don’t Inform” coverage ng militar, kung saan hindi niya puwedeng ihayag na isa siyang homosexual. Ngunit nagpatuloy siya sa serbisyo nang might integridad at katapangan, at kalaunan ay naging boses para sa mas inklusibong pamahalaan at lipunan.

Ang kuwento ni Gina ay salamin ng maraming Pilipino sa Amerika—pagsisimula sa mababa, pag-angat sa pamamagitan ng sakripisyo, at pagkakamit ng tagumpay sa kabila ng balakid. Ang kanyang pagkakaupo bilang mayor ng San Antonio ay patunay sa lumalawak na papel ng mga Filipino Individuals sa pulitika ng Estados Unidos. Hindi ito madaling nakamtan—ilang beses siyang natalo bago nagtagumpay, at marami pang hamon ang kanyang haharapin. Ngunit malinaw ang mensahe: saanman naroroon, kayang makisabay at mag-ambag ng Pilipino sa pinakamataas na antas ng lipunan.

* * * * * * * *

E mail – [email protected]


Related posts

1st runner up sa newest search…Oranbo City Backyard

3 madre, tumakas sa retirement dwelling at bumalik sa dati nilang kumbento!

Mga tip kung paano palalabasin ang plema