December 23, 2025 | 12:00am
KUNG nakalulusot man sa Bureau of Customs ang mga smuggled cigarettes, hindi naman ito nakalulusot sa PNP. Malaking buwis ang nawawala sa ating kaban yaman kaya malaki ang epekto sa ekonomiya. Kaya hindi tumitigil ang PNP upang mahuli ang mga smuggler ng sigarilyo.
Nakakumpiska ang PNP-CIDG-Central Luzon sa pamumuno ni Col. Grant Gollod ng bultu-bultong smuggled cigarretes noong Disyembre 10 sa Tarlac.
Armado ng warrants, sinalakay nina Gollod ang isang bodega sa Barangay Cruz, Victoria, Tarlac. Kinilala ni Gallod ang suspek na si Anthony Enriquez, 37, may asawa, taga-Bgy. San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija.
Tumambad sa mga pulis ang mga kartun-karton na mga smuggled/ unregistered cigarretes na walang graphic health warning sign na malinaw na lumabag ang mga ito sa RA 10643 (Graphic Health Warning Act). Lumabag din sa RA 10963 (Customs Modernazation and Tariff Act).
Nasa 217 boxes ng sigarilyo ang nakumpiska na kinabibilangan ng 50 ream per box; 3 boxes ng HP Cigarretes na nakapaloob ang 50 reams per boxes; 6 na boxes of RGD Cigarretes na may tig-50 ream kada boxes. Umabot sa P5,072,000.00 ang halaga ng mga nasamsam na smuggled cigarretes.
Ang suspek na si Enriquez ay nasa custody ng PNP-CIDG Central Luzon at nakatakdang sampahan ng kaso.